People’s Initiative, Patuloy na Umaarangkada sa Batangas

Provincial Solid Waste Management Board Meeting, Idinaos
December 5, 2018
18-Day Campaign to End Violence Against Women Sinumalan na sa Batangas
December 6, 2018

December 6, 2018

Sa patuloy na kampanya para sa People’s Initiative, na naglalayong palakasin at patibayin ang lokal na awtonomiya ng mga pamahalaang lokal, nakarating ang mga pagpupulong patungkol dito sa Alitagtag, Taysan, San Jose, Ibaan, Laurel, Mabini, Sto. Tomas, Rosario at Batangas City sa unang linggo ng Disyembre 2018.

Sa mga nabanggit na bayan, naging mainit ang pagtanggap sa nasabing inisyatibo at nagpahayag ng suporta sa mga nabanggit na adhikain ang mga dumalo sa bawat pagtitipon, kabilang ang mga lokal na opisyal.

Sa pamamagitan ng People’s Initiative, inaasahang mas tataas ang kabahagi sa mga buwis na nalilikom ng bawat bayan sa pagtukoy at panuntunan ng mga local government units, , na hindi na kailangang dumaan pa sa mga ahensyang nasyunal; at ang pagpapalawig ng termino ng paglilingkod ng ating mga opisyal ng bayan upang maipatupad ang mga programa patungkol sa serbisyo publiko ng mas maayos at tuloy-tuloy.

Isa si Batangas Governor Dodo Mandanas sa nagsusulong ng nasabing pagkilos kung kaya’t hiniling niya ang pakikiisa ng mga Batangueño dahil ang higit na makikinabang dito ay ang mga karaniwang Pilipino.

Para umusad ang People’s Initiative, kakailanganin ang pirma ng 12% ng kabuuang bilang ng mga mga botante sa Pilipinas, kabilang ang lagda ng 3% ng kabuuang bilang ng mga botante sa bawat legislative district. ✎ Shelly Umali – Batangas Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.