People’s Initiative para Palakasin ang Local Autonomy, Pormal nang Sumulong

Independent Living and Peer Counselling, Paksa sa PWD Training
November 19, 2018
Higit 1K na mga Iskolar ng Lalawigan ng Batangas, Tumanggap ng Tulong
November 20, 2018

Para sa mas malakas na Local Autonomy. Sa isang pagtitipon noong ika-16 ng Nobyembre 2018 sa Barangay Kumintang Ibaba, Batangas City, lumagda si Batangas Governor Dodo Mandanas sa petisyon upang isulong ang People’s Initiative ng mga karaniwang mamamayan upang maamyendahan ang 1987 Constitution para palakasin ang kakayahan ng mga local government units. Nakiisa at kasamang pumirma sa inisyatibo si Barangay Captain Enrique Cleofe, mga barangay officials at ilang mga mamamayanang rehistrado sa Brgy. Kumintang Ibaba.

Pormal nang pinasimulan ang pagkilos upang palakasin pa at patibayin ang lokal na awtonomiya ng mga pamahalaang lokal sa pamamagitan ng isang People’s Initiative.

Sa isang pagtitipon noong ika-16 ng Nobyembre 2018 sa Barangay Kumintang Ibaba, Batangas City, lumagda si Batangas Governor Dodo Mandanas sa petisyon upang isulong ang People’s Initiative ng mga karaniwang mamamayan upang maamyendahan ang 1987 Constitution para palakasin ang kakayahan ng mga local government units.

Nakiisa at kasamang pumirma sa inisyatibo si Barangay Captain Enrique Cleofe, mga barangay officials at ilang mga mamamayanang rehistrado sa Brgy. Kumintang Ibaba. Si Gov. Mandanas ay isang registered voter ng naturang barangay.

Ilang mga munisipalidad na rin ng Lalawigan ng Batangas, kabilang ang Malvar, Taal, Balete, San Pascual, Lemery, Lobo, Balayan at Calatagan, ang napuntahan patungkol sa nasabing inisyatibo. Nagpahayag naman ng suporta sa adhikaing mapalakas ang local autonomy ang mga dumalo sa bawat pagtitipon, kabilang ang mga punong-bayan at iba pang mga local officials.

Ipinaliwanag ng gobernador na kabilang sa mga layunin ng pagkilos ang pagpapalaki ng kabahagi sa mga buwis na nalilikom ng bawat bayan, sang-ayon sa pagtukoy at panuntunan ng mga local government units, na hindi na kailangang dumaan pa sa mga ahensyang nasyunal; at ang pagpapalawig ng termino ng paglilingkod ng ating mga opisyal ng bayan upang maipatupad ang mga programa patungkol sa serbisyo publiko ng mas maayos at tuloy-tuloy.

Ang mga ipinapanukalang pagbabago ay sa katitikan ng mga probisyon ng 1987 Philippine Constitution, particular sa Sections 5, 6, 7 at 8 ng Article X na tungkol sa Local Government.

Hiniling ng Batangas governor ang pakikiisa ng lahat dahil ang higit na makikinabang dito aniya ay ang mga karaniwang Pilipino.

Para umusad ang People’s Initiative, kakailanganin ang pirma ng 12% ng kabuuang bilang mga mga botante sa Pilipinas, kabilang ang lagda ng 3% ng kabuuang bilang mga mga botante sa bawat legislative district. Shelly Umali & Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.