PDRRMO Report: OFW Issue sa Lian, Naayos Din; 15 Bayan sa Batangas may COVID-19 Isolation Facilities Na

Batangas Province IATF Situation Report – April 20, 2020
April 20, 2020
Pagsasanay para sa Maayos na Pangangasiwa ng mga Labi ng COVID-19 Fatalities, Isinagawa
April 27, 2020

April 24, 2020

Sa situational report mula sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) noong ika-23 ng Abril 2020, kabilang sa tinutukang pangyayari ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang nangyaring isyu sa pagdating ng mga repatriated Overseas Filipino Workers (OFW), na napabalitang may mga confirmed COVID-19 cases, sa Matabungkay, Bayan ng Lian, at ang pagtukoy sa mga local government units sa lalawigan na nakapagtayo na ng mga isolation facilities para sa mga new corona virus patients sa kanilang mga nasasakupan.

Sang-ayon sa ulat ng PDRRMO, na pinangungunahan ni Mr. Lito Castro, ang mga OFWs mula sa Middle East na dumating sa Lian ay sasailalim sa 14-day quarantine sa isang beach resort sa Matabungkay.

Hinarang sa isang checkpoint ang sinasakyang mga bus ng mga OFWs dahil nag-aalala ang mga taga-Lian na may mga positibong COVID-19 patients sa mga ito.

Ikinagulat ito ng mga opisyal ng mga pamahalaang lokal sa lalawigan, kabilang si Gov. DoDo Mandanas, dahil wala umanong naging koordinasyon sa kanila ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) tungkol dito.

Matapos ang isang pagpupulong sa pagitan ng mga kinatawan ng OWWA, Department of the Interior and Local Government, at Pamahalaang Bayan ng Lian, sa pangunguna ni Mayor Isagani Bolompo, pinayagan ding tumuloy ang mga OFWs sa Matabungkay Beach Club.

Sa monitoring naman ng PDRRMO, labinglimang bayan na sa Batangas Province ang may nakahandang isolation facilities para sa mga pasyenteng pinaghihinalaang may COVID-19 disease, kabilang ang Lungsod ng Lipa, Taal, Lemery, Lungsod ng Sto. Tomas, Talisay, Mataas na Kahoy, Lian, San Pascual, Taysan, Lobo, San Juan, Malvar, Balayan, Calaca, at Calatagan.

Kasalukuyan ding nakikipag-ugnayan ang Batangas Inter-Agency Task Force sa Pamahalaang Panlungsod ng Baguio para sa posibleng pagpapauwi ng mga Batangueñong estudyante, reviewees, at manggagawa na na-stranded sa nasabing lungsod sa Cordillera Administrative Region.

Ibinahagi rin ang pansamantalang pagsasara ng Alaminos – Lipa Diversion Road at Zuloc Bridge, na nasa hangganan ng Lipa, Sto. Tomas at Alaminos, Laguna, na naging kasunduan ng Pamahalaang Panlungsod ng Lipa, Philippine National Police at DILG.

Kabilang ito sa mga isinarang secondary access roads ng Lipa sa mga karatig bayan upang mas matutukan at mapaigting ang pagbabantay sa mga checkpoints.

Maaari namang magamit ng mga papasok at lalabas sa lungsod ang mga main road networks dito, kabilang ang STAR Tollway.

Inilabas din sa report ang updated list ng mga incident commanders at command posts sa bawat lungsod at bayan sa lalawigan.

Iniulat naman ng Bayan ng Talisay ang kanilang pagkabahala sa pagpasok at pag-alis ng mga repatriated OFWs sa kanilang bayan, partikular sa Balai Isabel, na walang koordinasyon mula sa OWWA.

Samantala, ibinalita ng mga Bayan ng Lobo at Ibaan na 19 at 6 na mga manggagawa mula Bicol at Quezon, na hindi na nakauwi simula nang ipatupad ang Luzon lockdown, ang nakatira ngayon sa mga temporary shelters at sinusuportahan ng mga nasabing mga LGUs.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.