PDRRMO Department Head ng Batangas Province, kumpirmado na

Documentation of the Human Rights Situation of Persons with Disabilities, Isinagawa
March 27, 2019
Seminar-Workshop sa pagbabalangkas ng Local Public Transport Route Plan, isinagawa sa Kapitolyo
March 27, 2019

March 27, 2019

Matapos ang kamakailang pagtatatag sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) bilang isang ganap na departamento ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, itinalaga naman bilang bagong full-fledged Department Head ng nasabing tanggapan si Mr. Joselito Castro.

Mula sa pagiging isang Assistant Department Head, sa ilalim ng Office of the Provincial Governor, pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas ang pagkahirang kay Castro bilang puno ng PDRRMO noong ika-25 ng Marso 2019.

Sa isinagawang 11th regular session ng SP noong ika-25 ng Marso 2019, ipinahayag ng mga Board Members ang kanilang pagtitiwala kay Castro, na magampanan nang maayos ang pagiging head ng PDRRMO. Nagsilbi siya bilang Officer-in-Charge (OIC) ng nasabing tanggapan mula taong 2015, kung kailan ang mga gawain at accomplishments ng PDRRMO ay nagdala ng mga pagkilala sa Lalawigan ng Batangas sa larangan ng kahandaan sa mga kalamidad at sakuna.

Nauna nang nanumpa si Castro sa harap ni Governor DoDo Mandanas bilang katibayan sa pagtanggap ng responsibilidad ng kaniyang tungkulin noong ika-21 ng Marso 2019. Binigyang-diin ng Ama ng Lalawigan na malaki ang tiwala nito kay Castro, na lalo pa nitong pagbubutihin ang serbisyo publiko bilang ganap na PDRRMO Department Head.

Kaugnay nito, iminungkahi naman ni 6th District Senior Board Member Rowena Africa sa PDRRMO, na ilaan na lamang sa pagsasagawa ng iba’t ibang mga proyekto para sa mga Municipal DRRMO sa lalawigan, na walang gaanong budget, ang malaking pondo ng tanggapan sa road repair at construction. Dagdag pa ni BM Africa, malaking budget naman na ang nakalaan sa pagpapagawa ng mga kalsada mula sa provincial at national government, kaya mas maiging magamit na lamang ng PDRRMO ang nasabing pondo para sa ayuda sa disaster mitigation program ng mga maliliit na munisipyo at bayan sa Batangas. – Marinela Jade Maneja & Mark Jonathan Macaraig, Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.