PBA Commissioner Willie Marcial, Pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Provincial Development Council (PDC) Executive Committee, Nagsagawa ng Pagpupulong
March 1, 2018
Notice of Vacant Positions
March 1, 2018

Batangueño PBA Commissioner. Pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner na si Willie Marcial noong ika-5 ng Marso 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City. Tubong Lungsod ng Batangas, si Marcial ay nahirang na ika-10 Commissioner ng kauna-unahang professional basketball league sa Asya. Photo: Eric Arellano - Batangas Capitol PIO

March 1, 2018

Batangueño PBA Commissioner. Pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner na si Willie Marcial noong ika-5 ng Marso 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City. Tubong Lungsod ng Batangas, si Marcial ay nahirang na ika-10 Commissioner ng kauna-unahang professional basketball league sa Asya. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Sa isinagawang lingguhang pagpupugay sa watawat ng Pilipinas, masayang pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner na si Willie Marcial noong ika-5 ng Marso 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Si Marcial, isang Batangueño na tubong Lungsod ng Batangas, ay nahirang na ika-10 Commissioner ng kauna-unahang professional basketball league sa Asya. Bago ito, siya PBA Media Bureau Chief simula pa noong 2003.
Sa kauna-unahang pagpupulong ng PBA Board of Governors ngayong 2018, naging unanimously appointed si Marcial noong ika-25 ng Enero. Binigyan siya ng tatlong taong termino bilang ika-10 PBA Commissioner pagkatapos nina Leo Prieto, Mariano Yenko, Rudy Salud, Rey Marquez, Jun Bernandino, Noli Eala, Sonny Barios, Chito Salud at Chito Narvasa.

Sa loob ng 34 na taon sa PBA, naging parte na rin si Marcial ng PBA management team sa panahon ni Eala. Nakilala din siya bilang statistician sa panahon naman ni Prieto at naging floor director kasama ang TV coverer na Vintage Enterprise noong panahon ni Salud hanggang kay Bernandino.

Ayon sa isang panayam kay PBA Chairman Ricky Vargas, si Willie Marcial ang lider na kailangan ng PBA sa kasalukuyang panahon. Sinabi rin niya na si Marcial ang magiging healing commissioner at tagapangasiwa sa mga pagbabago na muling pagbabalik ng kanilang samahan. Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.