October 5, 2017
Tagumpay ang isinagawang ika-45 na edisyon ng Alay Lakad ng Provincial Government of Batangas noong ika-4 ng Oktubre 2017 sa Provincial Grand Stand, Provincial Sports Complex sa Brgy. Bolbok, Batangas City.
Nanguna sa nasabing programa ang mga opisyal ng Provincial Alay Lakad Foundtaion Inc., (ALFI) kabalikat ang Provincial Social Welfare and Development Office at ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Batangas Governor Dodo Mandanas, Vice Governor Nas Ona at mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan.
Binukasan ang taunang programa para sa mga kabataang Batangueño sa pamamagitan ng isang oras na zumba exercise marathon at agad na sinundan ng symbolic walkathon sa kabuuan ng provincial sports complex para sa mga kalahok, na tinatatayang umabot sa mahigit na apat na libong participants mula sa Department of Education, Batangas PNP, Provincial Government of Batangas, provincial offices ng mga national agencies, mga academic institutions sa lalawigan at iba’t-ibang socio civic and non government institutions.
May temang “Para sa Kabataan, sa Magandang Kinabukasan” para sa taong ito, agad na nakalikom ng halagang P1,577,638 ang Batangas Alay Lakad Foundation, kung saan P500,000 ng kabuang halaga ay financial grant mula sa Provincial Government of Batangas.
Naging mga panauhin sa okasyon sina Senator Joseph Victor “JV” Ejercito; at Deputy Speaker at Batangas 2nd District Congressman Raneo Abu.
Ipinaabot ni Governor Mandanas, kasama sina Senator Ejercito at Congressman Abu, sa mga opisyal ng ALFI na ipagpatuloy ang pagtulong at pagbibigay suporta sa mga aktibidad para sa mga kabataan upang makatulong sa bisyon at adhikain ng lalawigan na makapag–aral, alisin sa lasangan at sa kapahamakan ang mga kabataan hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong bansa. / Edwin V. Zabarte- Batangas PIO