Pangulong Duterte, bukas sa ibang paraan para sa agarang pagpapatupad ng Mandanas decision

154th Birth Anniversary ni General Malvar, ipinagdiwang
September 30, 2019
Kauna-unahang Batangueña DILG ASec kinilala ng SP
October 1, 2019

October 1, 2019

Nagpahayag na si Pangulong Rodrigo Duterte na bukas siya sa mga paraang magpapadali sa agarang pagpapatupad o implementasyon ng “just share” o wastong kabahagi ng National Tax Allotment (NTA) ng mga Local Government Units (LGUs) sa bansa, alinsunod sa isinasaad sa desisyon ng Korte Suprema sa petisyong inihain ni Batangas Gov. DoDo Mandanas.

Sa idinaos na 69th National Executive Board Meeting of the League of Cities of the Philippines (LCP) noong ika-27 ng Setyembre 2019, kung saan naimbitahang guest of honor ang pangulo, binigyang-diin nito na gumagawa na siya ng masusing pag-aaral kung paano madaragdagan o mas lalaki ang alokasyon ng NTA ng lahat ng mga LGUs. Sa pamamagitan nito, mas magbibigyan ng pagkakataon ang mga pamahalaang lokal na maipatupad ang mga kinakailangang proyektong maghahatid ng basic services sa mga Filipino.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, ang mga napondohan nang programa ng pamahalaang nasyunal ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi agad mabigyang daan ang naging pagkatig o desisyon ng Korte Suprema sa mabilisang implementasyon ng nasabing usapin.

Ang pagkilos sa pagsususulong ng karapatan ng mga LGUs para sa “just share” o NTA, ang pagkuwestyon sa maling pagtutuos, at hindi wastong paglalaan nito ay pinangunahan ni Governor Mandanas sa isang 23-pahinang petisyon sa Korte Suprema noong taong 2012, at nadesisyunan nitong 2018.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.