Panata ng tagapagtaguyod ng karapatan at pribilehiyo ng mga may kapansanan, binigkas sa Kapitolyo bilang pakikiisa National Disability Prevention and Rehabilitation Week

First at Second Quarter Honorarium para sa mga Barangay Tanod, ipinamahagi
July 22, 2019
41st National Disability Prevention & Rehabilitation Week, ipinagdiwang sa Kapitolyo
July 26, 2019

July 22, 2019

Sama-samang nanumpa ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ng Panatang Nagtataguyod sa Karapatan at Pribelihyo ng mga May Kapansanan noong ika-22 ng Hulyo 2018 sa Lingguhang Pagpupugay sa Bandila ng Pilipinas sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Pinangunahan ni 5th District and Senior Board Member Claudette Ambida-Alday, na tumatayo Chairperson ng Committee on Specially-Abled and Ederly, ang isinagawa sabayang pagbigkas ng panata kasama si Persons with Disability Affair Officer Edwin Abelardo N. De Villa, at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan. Ang aktibidad ay pagpapakita ng pakikiisa ng pamahalaang panlalawigan sa pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week (NDPR).

Ang mandatory observation ng NDPR Week ay alinsunod sa Proclamation No. 1870 of 1979 na sinusugan ng Proclamation No. 361 of 2000 at Administrative Order No. 35 of 2002, na isinagawa kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng Dakilang Batangueño at Paralitiko na si Apolinario MAbini tuwing ika-23 ng Hulyo.

Ang panunumpa ay isang paraan upang bigyan suporta at kilalanin ang United Nations Convention of the Rights of Persons with Disabilities (UNCRPD) at Proclamation 688 (series of 2013) na nagtataguyod sa ikatlong Dekada ng mga Taong May Kapansanan sa Asia Pacific.

Bilang bahagi ng selebrasyon, magsasagawa ang PDAO, sa suporta at gabay ng tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development Office, ng isang araw na selebrasyon, na kabibilangan ng mga Person with Disabilities (PWDs) mula sa lahat ng bayan sa lalawigan. Ilan sa mga tampok na aktibidad dito ay ang forum at orientation patungkol sa Universal Health Care Law, Mandatory PhilHealth Coverage, at updates on the Insurance of Identification card for PWDS. – Mark Jonathan M. Macaraig, Batangas Capitol PIO; Photo by Junjun de Chavez

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.