Panalo ng IRA backpay sa SC, laban ng Pilipino, sa Pangunguna ng mga Batangueño

Sustainable Pig Farming patuloy na isinusulong sa Batangas
July 9, 2018
Poultry Farms sa Bayan ng San Jose, Sumailalim sa Sample Collection and Avian Influenza Screening
July 11, 2018

July 10, 2018

Inilarawan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas na napakagandang balita ang pagsang-ayon ng Korte Suprema sa kanyang petisyong iginiit na mali ang pagtutuos ng “just share” o Internal Revenue Allotment (IRA) na natatanggap ng mga local government units (LGU) at hindi wasto ang paglalaan ng nasabing pondo, sang-ayon sa batas.

Sa desisyong inilabas noong ika-3 ng Hulyo 2018, sinabi ng SC na ang IRA ng mga LGUs, ayon sa 1987 Constitution, ay dapat nanggagaling sa lahat ng national taxes at hindi lamang mula sa National Internal Revenue taxes na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

“Ito ay matagal nang ipinaglalaban ng Republika ng Pilipinas, sa pangunguna ng Lalawigan ng Batangas,” kuwento ni Gov. Mandanas. “Dahil sa desisyon, madadagdagan ang IRA ng 40% mula sa (taong) 2019.”

Ibinahagi ni Gov. Mandanas na nauna niyang ipinaglaban ang tungkol sa IRA ng mga LGUs noong una siyang naging gobernador ng lalawigan noong 1995 hanggang 2004. Sa kanyang pag-aaral, nakita niyang hindi wasto ang pagbibigay ng IRA sa mga LGUs kaya ipinagbigay-alam niya ito sa national government.

“Noong una natin itong inilaban, walang sumama sa atin,” pahayag ng ekonomistang ama ng Batangas Province. “Pero dahil sa tamang kaalaman, tayo ay nagkaroon ng tapang at paninindigan na idulog ito.”

Bunga nito, nakatanggap ang mga LGUs sa buong bansa, sa administrasyon ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo, ng karagdagang IRA na umabot sa PhP 60 Bilyon.

Nagkaroon ng kaalaman tapang, , paninindigan na ibigay sa mga local govts – lalawigan, lungsod at bayan barangay ang tunay kabahagi ayon sa batas. Nakatanggap ang mga lgu ng 60 billion

Ang tinaguriang pakikipaglaban para sa IRA backpay, dagdag ng Batangas governor, ay nagsimula noong panahon ni dating Pangulo Noynoy Aquino, nang siya ay Congressman ng Ikalawang Distrito ng lalawigan. Tinanggihan ng pamahalaang nasyunal ang kanyang inihaing petisyon, kaya napilitan siyang dumulog sa Korte Suprema para dinggin ang nasabing IRA appeal.

Sa kanyang pagtataya, nasa PhP 1.3 Trillion ang IRA backpay na dapat maibalik sa lahat ng LGUs sa buong bansa. PhP 6 Bilyon dito ang inaasahang kabahagi ng Batangas Province.

Kasunod nito, ayon kay Gov. Mandanas, kinakailangang tutukan naman ang national government na ipamahagi ang mga nasabing pondo sa lalong madaling panahon.

Sa pamamagitan ng mga inaasahang pondo, isinaad ng gobernador na mas maraming infrastructure projects na makatutulong sa kabuhayan ng lalawigan ang maipapatupad; mas dadami ang mga mabibigyan ng scholarships; mapopondohan na ang ambulansiya para sa bawat barangay; at iba pang kinakailangang proyektong pang serbisyo publiko ang maisasakatuparan. – Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.