Pamamahagi ng Tulong Pinansyal sa mga Iskolar ng Mandanas Administration, Isinagawa

Tourism Projects ng Batangas Province, Iniulat
April 30, 2018
Taal Volcano Eruption Emergency and Contingency Planning, Binalangkas
May 3, 2018

May 2, 2018

Namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas at ng Provincial School Board, ng Educational Assistance sa mga bagong iskolars mula sa iba’t ibang paaralan sa Lalawigan ng Batangas para sa kasalukuyang semestre noong ika-2 ng Mayo 2018 na ginanap sa Bulwagang Batangan, Capitol Site, Batangas City.

Nasa 278 na estudyante ang nabigyan ng tulong pinansyal sa batch na ito, na nakatanggap ng ayuda sa pakikipag-ugnayan sa tanggapan ni Vice Governor Nas Ona.

Isa rito si Rey Ann P. Estacio, isang BS Petroleum Engineering na mag-aaral mula sa Batangas State University. Aniya, malaking tulong ito para sa kanyang pag-aaral lalo pa at graduating student siya. Ang mga gastos nila sa iba’t ibang requirements sa paaralan ay naiibsan.  Gayun din, kabawasan na ito sa intindihin ng kanilang mga magulang sapagkat nailalaan din nila ang kanilang natatanggap sa allowance nila araw-araw. – Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.