Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Tuloy-tuloy ang Paghahatid ng Serbisyo sa Harap ng Banta ng COVID-19

Provincial Ordinance Kontra Diskriminasyon Laban sa mga Frontliners sa Batangas, Pasado Na
April 20, 2020
Batangas Province IATF Situation Report – April 20, 2020
April 20, 2020

April 20, 2020

Walang nakikitang dahilan para maantala at itigil ang pagbibigay serbisyo publiko sa Lalawigan ng Batangas sa kabila ng krisis na dala ng Coronavirus Disease o COVID-19. Ito ang pinatutunayan ng iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa paghahatid ng makabuluhang aksyon at agarang pagtugon upang labanan ang banta at matinding suliranin ng naturang pandaigdigang pandemya.

Batay sa mga huling ulat ng Batangas Province Inter-Agency Task Force, ang Provincial Health Office (PHO) ay nagkaroon na ng koordinasyon para sa kahilingan na ang Department of Health – Center for Health Development (DOH-CHD) IV-A ang magsilbing punong-tagapamahala sa administrative and technical operations ng mga identified isolation o quarantine facilities sa probinsya.

Tuloy-tuloy din ang mga isinasagawang pagpupulong, sa pangunguna pa rin ng PHO, kaugnay ang Provincial DOH, patungkol sa imbentaryo ng mga Rapid Diagnostic Test (RDT) Kits at re-assessment ng mga natitirang Persons Under Investigation (PUIs) na kailangan pang sumailalim sa pagsusur, ito ay bilang paghahanda sa proposed expanded testing sa lalawigan ng Batangas.

Bukod dito, hindi rin tumitigil ang tanggapan sa pag-organisa ng talakayan upang masubaybayan ang mga programang nakatuon sa COVID-19 ng bawat Incident Management Teams (IMTs) ng iba’t-ibang bayan at lungsod.

Ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Assistance for Community Development Office (PACD) ay patuloy sa kanilang pagbibigay ng mga serbisyong maghahatid ng kaginhawaan sa mga komunidad o kagalingang panlipunan. Kamakailan lamang ay pinangasiwaan ng PACD, katuwang ang ilang mga opisina ng provincial government, ang pamamahagi ng ayudang pinansyal o mas kilala bilang Provincial Assistance Program Assistance Against Covid19 (PAPAC19) na mula sa inisyatibo ni Governor DoDo Mandanas na naisakatuparan naman sa pagsuporta ng buong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Ayon din sa ulat, nakatanggap ang tanggapan ng PSWD ng donasyong magbibigay tulong para sa mga medical frontliners mula sa ilang pribadong individual, kabilang ang Personal Protective Equipment (PPE), face masks, laboratory gowns, at hair nets.

Samantala, walang humpay naman ang pagiging aktibo ng 24/7 Provincial Emergency Operations Center (EOC) ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) para mas mapalawig pa ang serbisyong inihahatid nito sa gitna ng banta ng naturang sakit. Tuloy-tuloy rin ang kanilang pakikipag-ugnayan at situation monitoring sa lahat ng bayan at lungsod sa lalawigan kasama ang mga katuwang na ahensya ng gobyerno.

Katuwang naman ng PDRRMO sa procurement ng mga kinakailangang kagamitan para sa mga itinalagang isolation areas ang General Services Office, Provincial Engineer’s Office, at Provincial Cooperative and Livelihood Enterprise and Development Office.

Sa linya ng lehislatura, sa pangunguna ni Vice Governor Mark Leviste kabalikat ang mga Board Members ng anim na distrito ng lalawigan, ilang ordinansa na at resolution ang naihayin at naipasa tulad ng filed resolution encouraging physicians to perform free teleconsultation at passed ordinance requiring the mandatory wearing of Personal Protective Equipment (PPE) in the Province of Batangas.

Batangas Capitol PIO
Photo: Dr. Rosalie Masangkay, Batangas PDRRMO, and OPG


Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.