Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, nakiisa sa launching ng bagong education project ng USAID na Gabay

Linggo ng Kabataan ipinagdiwang sa Kapitolyo
September 16, 2019
Batangas Tourism Providers, kinilala ng Kapitolyo
September 16, 2019

September 16, 2019

Dumalo at nakiisa ang ilang mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa ginanap na Gabay National Launch, isang literacy project ng United States Agency for International Development (USAID) na may layuning mapalawig at mapatatag ang access sa quality education ng mga batang may visual at hearing impairment.

Ang nasabing pagtitipon ay naganap noong ika-12 ng Setyembre 2019 sa Novotel Manila, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Naging kaisa sa matagumpay na paglulunsad ng bagong education project ng USAID sina Provincial Social Welfare and Development Office Department Head, Jocelyn Montalbo; Provincial Health Officer I, Dr. Mercedita Salud; Provincial School Board Secretariat Head, Engr. Evelyn Estigoy; Batangas Province Federation of Persons with Disability (PWD) Associations President Nelson Adante; at, ilang mga kasamang kawani mula sa iba’t-ibang tanggapan ng Kapitolyo.

Ang Gabay, na ipatutupad sa loob ng tatlong taon, ay isinasakatuparan sa pakikipagtulungan ng Department of Education at Resources for the Blind, Inc., na bahagi ng pangako ng pamahalaan ng Estados Unidos sa mapagbuti ang kalidad ng basic education sa bansa tungo sa isang broad-based and inclusive growth.

Sa pamamagitan ng proyekto, na isasagawa sa pakikipag-ugnayan sa mga Local Government Units (LGUs) sa mga Lalawigan ng Batangas, Sorsogon, at Southern Leyte, inaasahang mahahanap at makikilala ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade Three, na may kapansanan sa paningin at pandinig, upang ang mga ito ay makatanggap ng tinatawag na literacy support.

Sa naging panayam kay Mr. Adante, napakahalaga umano ng programa dahil maitataas nito ang antas at kapasidad ng pagbibigay tulong ng mga service providers at health workers. Dagdag pa nito, mas mapapagbuti ng Gabay ang kakayahan ng mga guro sa pagbuo ng naaangkop na mga plano sa pagtuturo sa mga batang may kapansanan.

Sa huling bahagi ng launching, nagkaroon ng isang signing ng Pledge of Commitment, na pinangunahan ni USAID mission Director Lawrence Hardy II.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.