Pagtaas ng Star Toll Way Fee, Tinalakay

DPWH Sec. Villar, Deputy Speaker Abu Nanguna sa Briefing, Inspeksyon ng Bauan – Batangas City Access Road
November 21, 2017
Notice of Vacant Positions
November 24, 2017

November 23, 2017

Sa isang committee hearing noong ika-21 ng Nobyembre 2017, napagkasunduang magsusumite ang Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ng isang resolusyon sa Kongreso upang imbestigahan ang pagtaas ng toll fee sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway at iapela ang nasabing pagtaas.

Sa public hearing ng Committee on Transportation, Communication and Public Utility, na pinangungunahan ni 2nd District Board Member (BM) Wilson Rivera, naging resource persons sina Toll Regulatory Board (TRB) spokesperson Alberto Suansing at STAR Infrastructure and Development Corporation consultant  Louie Turgo.  Iginiit niyang ang naging pagtaas na 67 centavos per km ay mula pa sa isinumiteng petisyong ng SIDC noong 2014 para sa isang P1.36 per km increase.

Ayon pa kay Suansing, kinakailangang mabawi ng SIDC ang P2.33 billion na nagugol nito sa rehabilitasyon ng tollway mula Lipa City hanggang Batangas City na nakumpleto pa noong 2014. Hindi pa kasama dito ang katatapos lamang na pagsasaayos ng Sabang Bridge na nagkakahalaga ng P192 million.

Salaysay pa ni Suansing, ngayon lamang May 2017 tumugon ang TRB sa nasabing petisyon.  Bilang requirement para ipaalam sa publiko, kinailangang ipalathala ng SIDC ang kanilang petition sa isang pahayagan ng tatlong magkakasunod na linggo.

Bunsod nito, pumayag ang TRB sa isang provisional increase ng 47 percent nitong Oktubre, na ipinatupad naman nitong nakaarang Nobyembre 6, matapos ang deliberasyon ng mga technical staff ng Department of Public Works and Highways, Department of Finance, and National Economic and Development Authority.

Sinabi ni BM Rivera na ang Sanggunian resolution ay ipa-finalize sa sunod na session ng lokal na lehislatura sa darating na linggo.  Sa kanyang pahayag, BM Wilfredo Maliksi, ang kinatawan ng mga pangulo ng Association of Barangay Captaing sa lalawigan mula sa bayan ng Sto. Tomas, araw-araw siyang dumadaan sa STAR kaya nagtaka siya ng biglang lumaki ang rate na kaniyang binabayaran.

Dagdag pa ni 3rd District BM Alfredo Corona, ang pagtaas umano ng rate sa Star Toll ay maaaring maging sanhi ng pagbagal ng kalakaran sa lalawigan dahil sa mataas na rate na ipinataw.  / Nelson Adante, Nicole Bermas, Christine Santos – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.