Pagtaas ng Presyo ng Pangunahing Bilihin, Tinututukan ng Sangguniang Panlalawigan

Notice of Award – Purchase of Washable Face Mask with print and Face Shield for distribution to Frontline Service Providers province wide
February 3, 2021
Palugit sa 15% Discount sa Buwis sa Lupa, Ipinatutupad na ng Kapitolyo
February 5, 2021

February 5, 2021

Ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ang isang resolusyon na nagsasaad ng paghimok sa House of Representatives na manguna sa pagtiyak na ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin, tulad ng karne at gulay, ay manatiling abot- kaya sa pamamagitan ng pagsasama sama ng mga stakeholders para sa benepisyo ng mga Pilipino at upang matuklasan ang mga sanhi sa pagtaas ng presyo sa merkado.

Ang local resolution, na inisponsor ni Vice Governor Mark Leviste sa ikaapat na SP regular session noong ika-2 ng Pebrero 2021, ay sumusuporta sa House Resolution No.1515 na inihain ni dating Speaker Alan Peter Cayetano noong January 28, 2021, at co-authored ni Batangas 2nd District Representative Raneo Abu.

Sa ulat ng Kagawaran ng Agrikultura, ang presyo ng karne at gulay ay umakyat nang hanggang 66 na porsyento, base sa kanilang price watch nitong mga nakaraaang araw. Sa isang survey naman na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), 9.1% ng mga Pilipino o katumabas ng 2.3 milyong pamilya ang nakaranas ng gutom mula nang magsimula ang pandemyang dulot ng COVID-19.

Malinaw, sang-ayon sa mga nabanggit na datos, na ang patuloy na tumataas na gastos para sa mga pangunahing pangangailangan, kabilang ang pagkain, ay nakadaragdag sa mga pasanin ng bawat Pilipino ngayong may krisis pangkalusugan.

Binibigyang-diin ng House Resolution 1515 na dapat siyasatin ang isyung ito upang matukoy kung ano ang mga nararapat na maggawa ng gobyerno upang matugunan ang mga isyung ito sa panahong ito ng New Normal.

Hinihikayat din sa resolusyon na magsama-sama at magtulungan ang mga ahensya ng pamahalaan upang matiyak “na ang lahat ng mga Pilipino ay may access sa sapat, ligtas, at abot-kayang pagkain.”

Jayne Elarmo / Photo: Francis Milla – Batangas Capitol PIO

House Resolution No.1515

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.