Pagsasanay sa Manicure at Pedicure with Hand at Foot Spa, muling umarangkada

Pagsasanay sa Climate and Disaster Risk Assessment, isinagawa
March 11, 2019
Provincial Convergence and Disaster Resilience Dialogue, idinaos sa Kapitolyo
March 11, 2019

March 11, 2019

Sa patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Governor Dodo Mandanas, na mas mapataas pa ang antas ng kakayahan at pag-unlad ng kabuhayan ng sektor ng kababaihan, muling naglunsad ng limang araw na pagsasanay para sa Manicure at Pedicure with Hand at Foot Spa, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Inumpisahan ang nasabing pagbabahagi ng mga kaalaman sa mga Batangueña, sa pakikipag-ugnayan sa Sangguniang Panlalawigan at katuwang ang mga Local Government Units, sa Barangay Bataan, San Juan noong ika-5 hanggang ika-9 ng Marso.

Sa gabay ng temang “Handog na Kaalaman, Hanap Buhay na Pangmatagalan”, ang proyekto ay napiling muling isagawa sapagkat, bukod sa in-demand ang manicure at pedicure, ito ay maaaring gawing part-time job o sa libreng oras ng mga sasailalim sa training.

Nakatakdang magpatuloy ngayong buwan ang Training on Manicure at Pedicure with Hand at Foot Spa sa mga piling barangay ng bayan ng Rosario, San Juan, at Lemery. Ang proyektong ito ay pinangunahan ni Ms. Marites De Chavez ng PSWDO, na tumayong pangunahing tagapagsanay. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.