Pagsasanay sa Climate and Disaster Risk Assessment, isinagawa

Natural Gas Terminal Project ng First Gen sa Batangas, aprubado na ng DOE
March 5, 2019
Pagsasanay sa Manicure at Pedicure with Hand at Foot Spa, muling umarangkada
March 11, 2019

Fostering Engagement in Climate and Disaster Risk Assessment. Matagumpay na naisagawa ang tatlong araw na seminar-workshop, sa pangunguna ng Provincial Planning and Development Office, katuwang ang Housing and Land Use Regulatory Board Region IV-A, na tumalakay sa usapin ng Climate Change at Disaster Risk Assessment bilang pagtugon sa Local Planning System ng iba’t-ibang bayan at lungsod sa Probinsya ng Batangas. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO / Photo: Batangas PPDO

March 11, 2019

Fostering Engagement in Climate and Disaster Risk Assessment. Matagumpay na naisagawa ang tatlong araw na seminar-workshop, sa pangunguna ng Provincial Planning and Development Office, katuwang ang Housing and Land Use Regulatory Board Region IV-A, na tumalakay sa usapin ng Climate Change at Disaster Risk Assessment bilang pagtugon sa Local Planning System ng iba’t-ibang bayan at lungsod sa Probinsya ng Batangas. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO / Photo: Batangas PPDO

Magkabalikat na pinangasiwaan ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) at Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) Region IV-A ang tatlong araw na seminar-workshop, na nakatuon sa Climate and Disaster Risk Assessment (CDRA), noong ika-5 hanggang ika-7 ng Marso 2019 sa PPDO Conference Room, Capitol Compound, Batangas City.

Ang nasabing pagsasanay ay isinagawa bilang requirement sa paghahanda at pag-update ng Comprehensive Land and Water Use Plan (CLWUP) ng iba’t-ibang bayan at lungsod sa Lalawigan ng Batangas.

Kaugnay ito sa layuning magbalangkas ng mga plano at ulat na higit, na makakatulong sa Local Planning System, upang mas maunawaan pa nang husto kung paano makakaapekto sa pag-unlad ng isang lokalidad ang mga natural na panganib at pagbabago sa klima.

Aktibong nilahukan ang Climate and Disaster Risk Assessment ng mga miyembro ng Provincial Land Use Committee (PLUC), na binubuo ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas mula sa tanggapan ng PPDO, Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Dumalo at nakiisa rin, bilang bahagi ng PLUC, ang mga kinatawan ng ilang bayan at lungsod, kabilang ang mga Munisipalidad ng Bauan, Calatagan, Ibaan, Malvar, Mataas na Kahoy, San Luis, at Tingloy, at mga Lungsod ng Lipa at Tanauan.

Sa tatlong araw na seminar-workshop, isa-isang ipinaliwanag ng mga taga-HLURB, sa pangunguna ni Ms. Lilia Lumbera, Head of Town Planning and Zoning Unit, ang bawat detalye sa pangakahalatang-ideya na nakapalaoob sa CDRA.

Ilan sa mga naging tampok na paksang tinalakay ang Projected Changes in Climate Variables, Ridge to Reef Ecosystem Based Adaptation, Climate Change Vulnerability at Disaster Risk Assessment. Dito ay nagkaroon ng katumbas na pagsasanay o aktuwal na presentasyon ang mga partisipante, na higit na nakatulong sa paglinang ng kanilang mga kaalaman at kakayahan patungkol sa mga paksang nabanggit. Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.