Pagsasanay para sa Maayos na Pangangasiwa ng mga Labi ng COVID-19 Fatalities, Isinagawa

PDRRMO Report: OFW Issue sa Lian, Naayos Din; 15 Bayan sa Batangas may COVID-19 Isolation Facilities Na
April 24, 2020
Batangas Province IATF Situation Report
April 28, 2020

April 27, 2020

Pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), katuwang ang Batangas Provincial Department of Health Office (PDOHO), ang isang orientation – training upang makapagbigay ng sapat na kaalaman sa mga funeral services staff and personnel sa Lalawigan ng Batangas tungkol sa mga wastong panuntunan at pangangasiwa sa labi ng mga pasyenteng namamatay dahil sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ang nasabing pagsasanay, sang-ayon sa inilabas ng Department of the Interior and Local Government Memorandum 2020-063 at Joint Memorandum of DOH and DILG Suppletory Guidelines, ay isinagawa noong ika-24 ng Abril 2020 sa PDRRMO Emergency Operations Center, Bolbok, Batangas City at dinaluhan ng 17 accredited personnel ng isang funeral service provider na ilang branches sa lalawigan.

Ito ay bahagi ng proactive approach ng pamahalaang panlalawigan sa kapasidad nitong matugunan ang Management of the Dead and Missing (MDM) cluster ng mga Local Government Units, lalo na sa panahon na humaharap ang lahat sa isang pangkalusugang krisis.

Nakasaad sa guidelines na ang mga lokal na pamahalaan o LGUs ang naatasan na magtalaga ng mga naturang pasilidad at magbigay ng kasunduan o Memorandum of Agreement sa pagitan ng partikular na LGU at Funeral Service Provider.

Napagtalakayan naman sa pagsasanay ang pangkahatalang alituntunin tulad ng paalala na mas mainam na paraan ang kremasyon sa pangangasiwa ng namayapa sa naturang sakit na kung saan dapat gawin ito agad sa loob ng 12 oras ng kamatayan. Hangga’t maaari rin, ang paglibing ay gawing naaayon sa relihiyon o kaugalian ng namatayan.

Ang impormasyon tungkol sa mga crematoriums at mortuaries na kinontrata para sa cremation o paglibing ng mga labi ay kinakailangan gawing kumpidensyal. Pinaalalahan din na ang lahat ng mga tauhan na humahawak ng labi ay dapat magsuot ng Personal Protective Equipment (PPE) habang isinasagawa ang kanilang mga gawain.

Kasama din sa napagusapan sa orientation training ang ilang nilalaman pa ng panuntunan ng dalawang ahensya tulad ng paghahatid ng labi mula sa isolation area papunta sa sementeryo o crematorium, mga kinakailangan at wastong pamamamaraan para sa libing o cremation, at pagbabalangkas ng mga protocols at mechanisms para sa maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga local MDM clusters, ng DOH, at mga ospital.

Samantala, magpapatuloy ang pagsasanay sa ika-29 ng Abril para sa 2nd batch at ipinabatid na ang traning ay bukas para sa lahat ng mga accredited funeral service provider personnel ng iba’t-ibang bayan at lungsod sa probinsya.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.