Pagsasanay ng Mango Farmers sa Batangas, isinagawa

Kamatis candy-making hatid ng Prov’l. Agri Office
June 17, 2019
Batangas Provincial School Board nag-ulat
June 17, 2019

June 17, 2019

Isang pagpupulong at pagsasanay para sa Mango Rehabilitation ang ginanap sa Palsahingin, San Pascual, Batangas noong ika -13 ng Hunyo 2019, sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Pinamagatang “Training on Technology Demonstration and Rehabilitation of Existing Mango Trees in the Province of Batangas,” ang pagsasanay ay naisagawa katuwang ang Kagawaran ng Pagsasaka, na may layuning matulungan ang mga “magmamangga” na mapataas ang produksiyon ng kanilang mga puno, masugpo ang mga naninirang pesteng kulisap, at makapamahagi ng abono, pestesidyo at mga pruners.

Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Federation of Mango Growers ng Lalawigan ng Batangas, mula sa Batangas City at mga Bayan ng San Pascual, Rosario, Bauan, San Juan at Nasugbu.

Binigyang-pansin din dito ang mga kasalukuyang isyu sa industriya ng mangga at itinuro ang mga tamang pamamaraan sa rehabilitasyon ng mga matatandang puno, upang higit pang makapagbigay ng maayos na produksyon at magandang kalidad na bunga ang mga ito.

Hangad din sa pagtitipon na makapagbuo ng samahan ng mga magmamangga sa lalawigan, na mairerehistro sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Securities and Exchange Commission (SEC), na magiging daan upang maihanay ang mga mangga ng Batangas sa pandaigdigang merkado, kabilang ang bansang Korea, kung saan mataas ang demand para dito sa kasalukuyan.

Ayon pa kay Engr. Pablito Balantac, Batangas Provincial Agriculturist, kumikilos ang pamahalaang panlalawigan upang mapataas pa ang presyo ng manggang Batangas upang matulungan ang mga maliliit na magsasaka na may patuloy na mapagdalhang merkado ng kanilang mga aning mangga at makaiwas sila sa mga “middleman traders,” na nakakaapekto sa presyuhan ng mangga sa kasalukuyan. Shelly Umali – PIO Capitol / Photo: OPAg

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.