Pagsangkap ng Iodized Salt sa Pagkain, Isinusulong ng Asin Task Force Poster-making Contest

Kapitolyo Job Fair: tampok sa 1st day ng 2nd Term ni Gov. DoDo
July 3, 2019
Provincial Health Office: mga paalala ngayong tag-ulan
July 8, 2019

July 4, 2019

12 entries ang naging finalists sa 2019 Poster with Slogan Making Contest ng Provincial Bantay Asin Task Force (PBATF) para sa Grade 5 at 6 sa lahat ng public elementary schools sa Lalawigan ng Batangas, na nasa ilalim ng Department of Education – Schools Division of Batangas Province.

Isinagawa ang contest, sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, partikular ng Provincial Health Office (PHO).

Hangad na maisulong ang paggamit ng Iodized Salt bilang sangkap sa mga lutuin sa mga mag-aaral at magulang sa public elementary at secondary schools, tatlong entries ang nagwagi sa patimpalak sa larangan ng sining at pagkamalikhain mula sa bawat area o distrito sa lalawigan.

Sa ulat ni Ms. Grace Conti, Nurse Supervisor at kinatawan ng DepEd sa PBATF, ang mga finalists, na napili ng mga District Nutrition Coordinators batay sa criteria na Relevance to the Theme (60%), Creativity ang Presentation (20%) at Originality (20%), ay nanggaling sa Balayan East, Calaca at Lemery para sa Area 1; Bauan West, Bauan East, at Mabini sa Area 2; Malvar, Alitagtag, at Talisay sa Area 3; at, Rosario, San Jose, at San Juan East sa Area 4.

Ang final judging, na pinamunuan ni Dr. Josephine Gutierrez ng PHO, ay isinagawa sa Provincial Health Office Conference Room noong ika-4 ng Hulyo 2019.

Ang resulta ay ipapaalam sa culminating activity ng Nutrition Month Celebration na gagawin sa huling linggo ng Hulyo, kung saan ang mga winners ay makatatanggap ng ₱5,000 (1st Place), ₱4,000 (2nd Place) at ₱3,000 (3rd Place).

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Kumain nang Wasto at Maging Aktibo…Push Natin ‘to!” Hangad ng National Nutrition Council, na nangunguna sa nasabing aktibidad, na maisulong sa bansa ang pagkain ng healthy diet at pagkakaroon ng aktibong pamumuhay na kasabay ang regular na pag-eehersisyo. Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.