Pagpapaunlad ng sektor ng pangkabuhayan at kooperatiba tinututukan ng Kapitolyo

Elected SK Officials sa Batangas, sumailalim sa Youth Development, Capability Seminar
May 23, 2019
Mga mag-aaral sa Taal Volcano Island, tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
May 29, 2019

Patungo sa Rich Batangas. Pinangungunahan nina Gng. Celia Atienza, Department Head ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), at mga kawani ng kanilang tanggapan ang mga pagsasanay sa mga miyembro ng mga kooperatiba sa Lalawigan ng Batangas. Bahagi ito ng adbokasiya ni Gov. DoDo Mandanas na lalong mapalakas ang livelihood program para sa mga Batangueño. Batangas Capitol PIO

May 27, 2019

Patungo sa Rich Batangas. Pinangungunahan nina Gng. Celia Atienza, Department Head ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), at mga kawani ng kanilang tanggapan ang mga pagsasanay sa mga miyembro ng mga kooperatiba sa Lalawigan ng Batangas. Bahagi ito ng adbokasiya ni Gov. DoDo Mandanas na lalong mapalakas ang livelihood program para sa mga Batangueño. Batangas Capitol PIO

Ang pagpapalakas ng ekonomiya at sektor ng pangkabuhayan ay isa sa pangunahing tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, na bahagi at alinsunod sa kanyang H.E.L.P. (Health, Education, Livelihood and Protection of Life, Property and Environment) Program.

Kaugnay nito, nagbigay ng ulat si Gng. Celia Atienza, Department Head ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), patungkol sa estado ng mga kooperatiba, at mga proyektong kanilang naisakatuparan.

Ibinahagi ni Gng. Atienza na ang Batangas ay may lehitimong 386 na bilang ng registered cooperatives, buhat sa huling datos noong ika-15 ng Mayo 2019. Katunayan nito ang mahigit sa ₱8 Bilyon na Total Assets ng mga kooperatiba sa lalawigan, na pinakamataas sa buong Region IV (CALABARAZON at MIMAROPA).

Taong 2017 hanggang 2019, 506 cooperatives ang nabigyan ng PCLEDO ng ayuda, sa ilalim ng programang ₱10K Financial Assistance. Ipinagkaloob ito sa mga coops tuwing annual general assemblies, at umabot sa ₱5.46 Milyon ang kabuuang halaga ng naipamahagi.

Sa pagtatapos naman ng taong 2018, mayroong 31 coops sa buong lalawigan ang nabiyayaan ng tulong pinansyal o cooperative loan assistance, kung saan maaaring humiram ang isang kooperatiba ng ₱100,000 hanggang ₱3 Milyon na kinakailangang mabayaran sa loob ng dalawang taon. Sa programang ito, may nakalaan na Revolving Fund na nagkakahalaga ng ₱20 Milyon.

Bahagi rin ng programa ng PCLEDO ang Cooperative Community-Based Funded Project, kung saan 171 coops na ang natulungan o may katumbas na mahigit sa ₱11 Milyon. Ito ay batay sa datos simula July 2016 hanggang December 2018.

Tinututukan din ng tanggapan ang sustainable livelihood programs, enterprise development projects at ang pakikipag-ugnayan sa mga national agencies na tumutugon sa usaping pangpuhunan at iba’t-ibang pangkabuhayan programs.

Binigyang-diin ni Gng. Atienza na ang livelihood program ay isa sa prayoriyad ni Gov. DoDo Mandanas, sa layuning maipaabot ang tulong sa bawat Batangueño at makamit ang isang mayamang Lalawigan ng Batangas. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.