Pagpaparami ng Isolation Units sa Lalawigan ng Batangas, Tuloy-tuloy

Request for Quotation – RENTAL OF 57 ROOMS FOR ACCOMODATION OF COVID POSITIVE PATIENTS OF PROVINCIAL CAPITOL EMPLOYEES AND RELATIVES
June 10, 2021
Masangsang na Amoy, Reklamo ng mga Residente ng Ilang Barangay sa Lipa at Sto. Tomas
June 11, 2021

June 11, 2021

Mataas pa rin ang bilang ng mga nagkakasakit dahil sa COVID-19 virus sa Lalawigan ng Batangas, kaya pinapaalalahanan pa rin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, na huwag maging kampante ang mga Batangueño, sa kabila ng pagluwag ng mga quarantine restrictions at patuloy ng vaccination roll-out.

Ito ang isa sa binigyang-diin sa Batangas Provincial Inter Agency Task Force (IATF) meeting noong ika- 7 ng Hunyo 2021.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Dr. Robert Magsino, Chief Executive Officer ng Mary Mediatrix Medical Center sa Lungsod ng Lipa, na isa sa mga malalaking pribadong ospital sa Lalawigan ng Batangas, na palagi pa ring puno ang mga Intensive Care Units (ICU) at mga nakalaang beds para sa mga COVID-19 patients sa mga pribadong ospital sa probinsya.

Dagdag pa nito, ang mga nagpapa-ospital na mga pasyente ay madalas moderate to severe cases na hirap makakuha ng kuwarto o kama sa mga pagamutan. Nahahawa aniya ang mga ito sa mga kapamilya at sa mga tao sa kani-kanilang komunidad o barangay.

Bilang tugon naman sa pagiging puno ng kanilang pasilidad, iniulat din ni Dr. Magsino na isinasagawa sa kanilang ospital ang sistemang kagaya ng One Hospital Command, na proyekto ng Department of Health (DOH) at mga katuwang na mga ahensya ng pamahalaan, na tinawag nilang Kalingang Bahay, kung saan may mga duktor na nakikipag-ugnayan sa pamilya ng mga COVID patients upang matugunan ang mga pangangailangang medikal ng mga may sakit sa pamamagitan ng online consultations. Mayroon din silang waiting list para sa ICU at slots sa COVID floor ng ospital, na naa-access online at telepono.

Nagbahagi naman si Batangas City Vice Mayor, Dr. Jun Berberabe, na miyembro ng Local Health Board, na ang pagkakaroon ng maraming mortalities sa lalawigan ay bunsod na rin ng mga existing comorbidities ng mga pasyente, at madalas ay huli na silang nadadala sa ospital sapagkat natatakot din ang mga ito na madala o magpunta sa ospital. Madalas din aniyang delayed ang dating ng mga resulta ng COVID tests.

Iniulat naman ni Governor Mandanas ang tuloy-tuloy na pagpaparami ng isolation units, na aniya ay dapat accredited ng DOH, katulong ang pribadong sektor. Idinagdag pa ng gobernador na malapit nang mabuksan ang health facility sa Bayan ng Bauan.

Patuloy din umano ang improvement ng 12 district hospitals, katulong ang DOH, kabilang ang paglalaan ng mga karagdagang equipment, pagbili ng mga gamot at pagpapadami ng mga nurses at doctors.

Sinimulan na rin aniya ang pagpapagawa ng Quarantine Hub sa Batangas Provincial Livelihood Center sa Batangas International Port sa Lungsod ng Batangas, na pinag-aaralan ding gawing pansamantalang isolation facility at testing area para sa mga Batangueño upang mabigyan ng agarang solusyon ang kakulangan ng mga pasilidad para sa mga COVID-19 patients.

Jayne Elarmo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.