Pagpapalakas sa mga Programang Halina Ika’y Magtanim at Plant,Plant,Plant Isinasagawa ng OPAg

Batangas PHO: Bukod sa COVID-19, Mag-ingat din sa Dengue Ngayong Panahon ng Tag-ulan
July 2, 2021
Gov. DoDo: Magpabakuna, Sundin pa rin ang Minimum Public Health Standards
July 3, 2021

July 3, 2021

Bilang bahagi ng Crop Production Project ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), 70 na kilo ng luya ang itinanim ng mga kawani ng OPAg sa kanilang Demo Farm sa Bolbok, Lungsod ng Batangas noong ika-30 ng Hunyo 2021.

Ayon kay Ms. Daisy Yabyabin, Supervising Agriculturist ng Farm Support Division ng nasabing tanggapan, ang pagtatanim ng luya, na bungang-ugat na kilalang pampapabango at pampalasa ng pagkain at herbal medicine, ay kaugnay sa layunin ni Gov. DoDo Mandanas na lalong mapaunlad ang agrikultura sa lalawigan, at mahikayat ang mga kababayan na magtanim sa kanilang mga bakuran.

Bukod sa luya, nagtatanim din ang OPAg ng iba’t ibang klase ng gulay sa kanilang 480 square meter farm, na nakalinya rin sa proyektong Halina Ika’y Magtanim, na inisyatibo nina Governor Mandanas at Provincial Agriculturist, Dr. Rodrigo M. Bautista, Jr.

Ang OPAg ay patuloy ding kaisa at sumusuporta sa programang Plant, Plant, Plant ng Department of Agriculture.

Grace B. Briones – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.