Pagpangalan sa Kaybiang Tunnel Bilang Apacible Tunnel, Isinulong ni BM Rosales

“Bantay ASF sa Barangay” at “Recovery and Repopulation” Programs ng DA, Inilunsad sa Lalawigan ng Batangas
February 19, 2021
Vaccine Operation Center ng Batangas Province, mga Miyembrong Ahensya Tinukoy na ng IATF
February 19, 2021

February 19, 2021

Kilala ang Kaybiang Tunnel, na nagdudugtong sa mga bayan ng Nasugbu, Batangas at Ternate, Cavite, bilang pinakamahabang subterranean road tunnel sa Pilipinas. Ang 300 na metrong kalsada ay tumagos sa Mt. Palay-Palay o Mt. Pico de Loro.

Mula nang ito ay buksan noong Hulyo 1, 2013, naging mas mabilis na ang biyahe mula Metro Manila patungo sa mga tourist destinations ng Nasugbu at Calatagan, mula sa 4 na oras via Tagaytay hanggang sa mahigit isang oras na lamang. Sa ngayon, mismong ang Kaybiang Tunnel, na may taas na 4.85 meters, ay isang sikat na tourist attraction.

Kaugnay nito, naghain ng isang resolusyon si Batangas 1st district Board Member (BM) Carlo Roman Rosales sa ika-6 na regular session ng Sangguniang Panlalawigan noong ika-15 ng Pebrero 2021, na isinusulong na mapangalan ang Kaybiang Tunnel bilang Apacible Tunnel, bilang pagkilala kay dating Nasugbu Mayor at Batangas 1st District Congressman Conrado Villadolid “Dong” Apacible.

Si Apacible, na pumanaw noong ika-3 ng Pebrero 2021, ay kinikilala bilang isa sa mga nagsulong at nagpaunlad ng turismo sa Bayan ng Nasugbu.

Ang resolusyong inilatag ni BM Rosales ay pinamagatang “A Resolution Urging the Congress of the Philippines to name the Kaybiang Tunnel after the late Conrado Villadolid Apacible for his Exemplary Service and Significant Contribution to Nation-Building, most especially in the Municipality of Nasugbu and the First District of Batangas.

MON ANTONIO A. CARAG III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
6

Comments are closed.