Paglalagay ng street lights sa mga pedestrian crossing sa Batangas Province, naipasa na

Sigaw sa Lung Month Celebration: “END TB, Now Na!”
August 27, 2019
People’s champ Manny Pacquiao, “adopted son” ng Lalawigan ng Batangas
August 28, 2019

August 28, 2019

Naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas ang Provincial Ordinance No. N002 o “Ordinance Mandating the Installation of Street Lights on All Pedestrian Crossings in the Province of Batangas” noong ika-27 ng Agosto 2019 sa Claro M. Recto Sessio Hall, Legislative Building, Capitol Compound, Batangas City.

Sa pamamagitan ng nasabing ordinansa, na iniakda ni 1st District Board Member Carlo Roman “Junjun” Rosales, inaasahang mas magiging ligtas at maayos ang mga pook tawiran sa mga lansangan tuwing gabi dahil sa pagkakaroon ng mga ilaw sa mga poste na malapit dito.

Ayon kay BM Rosales, na tumatayong Chairperson ng SP Committee on Social Welfare, makatutulong din ang naturang ordinansa upang mapababa ang aksidente at krimen na nagaganap sa mga kalsada, para sa kaligtasan, hindi lamang ng mga naglalakad na Batangueño, kundi pati na rin ng mga motoristang bumabaybay sa mga lansangan ng lalawigan.

Kaugnay ang ipinasang lokal na batas sa mga pag-aaral na isang basic requirement para sa isang mapayapa at walang krimen na komunidad ang pagkakaroon ng maayos na pailaw sa mga pampublikong lugar, kagaya ng street lights.

Marinela Jade M. Maneja – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.