Paglalaan ng pondo para sa mas epektibong kampanya laban sa droga, isusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Joint Semi-Annual Meeting ng PNC-TWG, MNAO at BNS Presidents, isinagawa
April 24, 2019
1st Quarter accomplishments ng PPDO, itinampok
April 29, 2019

April 24, 2019

Sa patuloy na pagpapaigting sa kampanya upang masugpo ang iligal na droga sa Lalawigan ng Batangas at bilang agarang tugon na rin sa nasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na “red flag” ang probinsya, minarapat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa inisyatibo ni Governor DoDo Mandanas, na makapaglaan at makapagbigay ng pondo sa Batangas Police Provincial Office (BPPO) upang masuportahan ang ahensya sa mga adbokasiya at mga kaukulang operasyon para sa naturang problema.

Kaugnay nito, nagkaroon ng isang pagpupulong na tumalakay sa proposed plan ng BPPO, sa pangunguna ni Provincial Director P/COL Edwin A. Quilates, noong ika-24 ng Abril 2019 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City.

Dumalo sa nasabing pagtitipon sina Provincial Administrator Librado Dimaunahan at Provincial Public Order and Safety Department Head, Atty. Genaro Cabral, na kapwa itinalaga ng gobernador na tututok sa nasabing isyu.

Naging bahagi rin sa pagpupulong si General Services Officer Paulita Maneja, mga miyembro ng Finance Committee ng Kapitolyo, na kinabibilangan nina Provincial Accountant Marites Castillo, Provincial Budget Officer Victoria Culiat at Provincial Treasurer Fortunata Lat, at mga Chiefs of Police ng iba’t-ibang bayan sa probinsya, kasama ang ilang mga representatives mula sa Maritime Police at Philippine Drug Enforcement Agency.

Ang nasabing proposed plan, na may titulong “BPPO: Oplan Sacleo on Illegal Drugs-2019-01”, ay ibinahagi ni P/COL Quilates upang higit maunawaan ang mga kinakailangang aksyon na dapat isagawa sa lalong madaling panahon sa layuning maging cleared ang lalawigan sa ipinagbabawal na mga gamot.

Batay sa huling datos ng BPPO sa lalawigan, 28 o nasa 2.6% ang kabuuang drug unaffected barangays; 631 o nasa 58.53% naman ang total number of drug affected barangays; samantalang may kabuuang 419 o 38.87% ang cleared na mga barangay sa usapin sa droga.

Inilatag ni P/COL Quilates ang mga operasyong tiyak na makatutulong sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga, kabilang ang pagsasagawa ng aggressive anti-illegal drug operations, re-accounting of drug groups and members including drug watch list, at paglulunsad ng focused and intelligence-driven operations.

Ayon kay Quilates mas paiigtingin din ang isasagawang buy bust operations ng 34 na police stations, kung saan sakop din ng mga operasyon ang maritime at coastal barangays. Kasama sa plano ang pagkakaroon ng sustained strategy upang magtuloy-tuloy ang mga nasimulang aksyon ng BPPO.

Samantala, sa naging mensahe ni Provincial Administrator Dimaunahan, hindi lang ang kaso sa droga ang tututukan nila, kung hindi pati na rin ang problema sa baril na ayon sa administrador ay nagiging paraan sa pagprotekta sa mga gumagamit ng iligal na droga.

“This has to be implemented,” dagdag na pahayag ni Admin Dimaunahan. Nagbigay din ito ng kaniyang pasasalamat sa mabilis na askyon ng BPPO at makakaasa aniya ang ahensya at ilang mga katuwang na tanggapan sa kampanya sa droga, na makumpleto lamang ang mga kaukulang batayan, ay maipapalabas agad ang pondo para sa implementasyon ng Oplan Sacleo on Illegal Drugs ng BPPO.

✎ Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Macc Venn Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.