“Pagkain, Transportasyon, at Komunikasyon” Mensahe ni Imee Marcos sa mga Batangueño

Taal, Nasugbu, Ipinamalas sa Filipino–Canadian Visitors
January 31, 2019
REGIONAL MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-02
February 4, 2019

January 31, 2019

Sa ginanap na pagdiriwang ng ika-74 Liberation Day ng Munisipalidad ng Nasugbu at Centennial plus Four o ika-104 na taong pagkakatatag ng Munisipalidad ng Lian noong ika-31 ng Enero 2019, naging bisita si Ilocos Norte Governor Imee Marcos, na nagbahagi ng ilang mga ninanais na programa sa mga usapin ng pagkain, transportasyon at komunikasyon na may kinalaman sa Lalawigan ng Batangas.

Sa naging panayam kay Marcos, unang binigyang pansin nito ang pagkakaroon ng reporma sa agrikultura kung saan ang gobyerno ang bibili ng mga agricultural commodities at magbebenta sa mga mamamayan nang walang tubo. Sa ganitong paraan ay magkakaroon ng supply ng may mas mababang presyo o halaga.

Sa usapin ng transportasyon, hindi lamang daw Maynila ang nakakaranas ng matinding trapiko kundi pati na rin ang Batangas, kaya nais niyang pagtuunan ng pansin ang pagsasaayos ng public transport. Kailangan din daw ang pagbubukas ng ibang telecommunication companies upang magkaroon ng competition at makapagbigay ng magandang serbisyo.

Binigyang-diin din niya ang pag-ibayo ng pagpaplano para mapaunlad pa ang kaalaman sa environmental at coastal management, particular ng Matabungkay Beach sa Lian, at ang pagkakaroon ng hiwalay na departamento para sa mga Overseas Filipino Workers upang mas matugunan ang mga pangangailangan ng mga ito sa kalusugan, hanapbuhay at problemang legal.

Suportado din ng Ilocos Norte Governor ang isinusulong na People’s Initiative, na pinangungunahan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas, na mas magpapalakas at magpapatibay sa lokal na awtonomiya. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.