Paghahanda para sa Bulkang Taal, tinalakay sa Kapitolyo

Joint Regional & Provincial Children’s Month Celebration 2019, isinagawa sa Batangas Capitol
November 21, 2019
Techno-Gabay Program Summit delegates nag-socialize sa Governor’s Night
November 22, 2019

November 21, 2019

Isang pagpupulong ang isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batagnas, sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sa People’s Mansion, Capitol Site, Batangas City, kung saan tinalakay ang mga updates patungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Taal Volcano at ang mga contingency plans para sa mga komunidad sa palibot nito.

Pinangunahan ni PDRRMO Department Head Lito Castro ang talakayan, na dinaluhan nina Gov. DoDo Mandanas, Mayor Wilson Maralit ng Bayan ng Balete, Mayor Lester De Sagun ng Bayan ng San Nicholas, Mayor Gerry Natanauan ng Bayan ng Talisay, at mga kinatawan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at DRRMO ng mga local government units (LGUs) sa palibot ng Lawa ng Taal.

Sa ulat ni PHIVOLCS representative, Mr. Paulo Reniva, nakataas pa rin sa Alert Level 1 ang bulkan kaya patuloy ang pag-momonitor dito. Dagdag pa ni Reniva, lahat ng 13 monitoring stations ng kanilang ahensya sa palibot ng bulkan ay gumagana, at may planong dagdagan pa ang mga ito upang mas masubaybayan ang lagay ng Bulkang Taal.

Tinalakay din sa pagpupulong ang Provincial Contingency Plan, kung sakaling pumutok ang bulkan, para sa 14 na mga lakeshore LGUs. Ito ay hinati sa 4 na quadrants – ang North Quadrant, na kinabibilangan ng mga Bayan ng Laurel, Talisay at Tanauan City; South Quadrant, kabilang ang mga Bayan ng Alitagtag, Cuenca, Sta. Teresita at Taal; East Quadrant, kasama ang Lipa City, Malvar at Mataas na kahoy; at, West Quadrant, na binubuo ng Agoncillo, Lemery at San Nicholas.

Binigyang pansin din sa pagpupulong ang tatlong paaralan na nasa volcano island, ang San Nicholas Central Annex, Calawit Elementary School at Pulo Elementary School. Ayon kay Mr. David Nuay, representative ng Department of Education – Batangas Province, ang 687 na mga mag-aaral, kasama ang mga guro, ay nailipat na sa ibang paraalan sa mga karatig barangay.

Humiling naman ang tatlong dumalong mga mayors na matulungan ng provincial government na makahanap ng lote, na maaaring pagtayuan ng mga housing projects, na maaaring paglipatan ng mga pamilya na nakatira sa mismong isla ng bulkan. Iminungkahi rin nilang dapat magkaroon ng malalaking mga bangka sa nasabing lugar na magagamit sa paglilikas ng mga tao sa oras ng sakuna.

MON ANTONIO A. CARAG III, BATANGAS PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.