Nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso, na may temang “Juana Laban sa Pandemya: Kaya!“.
Sa panayam ng B’yaheng Kapitolyo kay Ginang Flor Lachica, Assistant Department Head ng PSWDO, ibinahagi nito na magkakaroon ng isang virtual celebration para sa nasabing okasyon sa darating na ika- 26 ng Marso kung saan nag-imbita sila ng tatlong Batangueña na kumakatawan sa mga napapanahong hamon na hinaharap ng mga babae sa lalawigan at sa bansa.
Inimbitahan din ang Women’s Advocate at Health and Wellness campaigner na si Cory Quirino bilang guest speaker.
Ang gaganaping selebrasyon ay pangungunahan ni Provincial Women’s Coordinating Council Batangas, Inc. (PWCCBI) & Samahang Batangueña President, Atty. Gina Reyes Mandanas, kasama si dating 6th District Board Member Rowena Sombrano – Africa.
Jayne Elarmo – Batangas Capitol PIO