Pag-IBIG Fund Batangas, hinihimok mag-impok ang mga miyembrong Batangueño

MAISkwelahan sa Radyo, muling inilunsad sa Lalawigan ng Batangas
April 3, 2019
Basic Wheelchair Training ng DOH, dinaluhan ng mga Batangueño PWDs
April 8, 2019

April 4, 2019

Hinihikayat ng Pag-IBIG Fund ang mga Batangueño na mag-impok sa pamamagitan ng kanilang savings program, na mas malaki ang interest o tubo kumpara sa mga tipikal na naibibigay ng mga banko at financial institutions.

Sa panayam sa B’yaheng Kapitolyo, ang official radio program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, noong ika-3 ng Abril 2019, binigyang-diin ni Ginoong Noel Lagustan, ang Supervising Marketing Specialist ng Pag-ibig Fund Batangas Branch, ang kagandahan nang pag-iipon sa pamamagitan ng Modified Pag-IBIG 2 Program o MP2.

Sa nasabing scheme, ang monthly savings ay mula sa minimum na 500 hanggang 5,000 piso kada buwan, na maaaring bayaran monthly, quarterly o semi-annually, at may maturity period na lima hanggang sampung taon. Bukas ito sa mga aktibong miyembro ng Pag-IBIG, at mga retirees o pensioners. Tax free rin ang savings, government guaranteed kung kaya’t, sakaling magsara ang Pag-IBIG, buo pa ring makukuha ang nailagak na pera, at walang limitasyon sa pag-iimpok.

Sa kasalukuyan, ayon pa rin kay Lagustan, mayroon nang 103,034 Pag-IBIG members sa Batangas Province, na mula sa pribadong sector; gobyerno; at, mga voluntary contributors, kabilang ang mga self-employed, self-paying at mga galing sa informal sectors.

Sa shelter loan, mas maliit ang interest rate sa Pag-IBIG, na 3% per annum, habang sa ibang financial institutions pinakamababang interest ay 5.37%. Mas matagal din ang terms of payment, na maaaring maghulog hanggang 30 taon, at mayroon pang ibang options sa payment terms. Avelene P. Lopez- Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.