February 27, 2018
Ipinagkaloob ng mga opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kay Governor Mandanas ang simbolikong tseke, na nagkakahalaga ng limang milyong piso, upang magamit sa programa ng DILG at Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP)
Ang nasabing turn-over ng pondo ay naganap kasabay ng isinagawang inagurasyon ng bagong gusali ng DILG Batangas Province, na pinangunahan nina DILG IV-A Regional Director Manuel Q. Gotis at DILG Provincial Director Adlema Maulleon, kasama ang mga DILG officers ng buong Lalawigan.
Ang programang ito ay nakalaan para sa mga rebel returnees, na nagbabalik-loob sa pamahalaan, na matulungang magkaroon ng pag-asa na muling maging produktibong miyembro ng pamayanan sa pamamagitan ng alternative livelihood programs.
Ang nasabing halaga ay gagamitin sa pagsasaayos ng Livelihood Halfway House, kung saan ang mga returnees ay sasailalim sa mga pagsasanay sa iba’t-ibang aspeto ng pangkabuhayang programa bilang bahagi ng kanilang reintegration efforts. / Edwin Zabarte/ Photo by Macven Ocampo-Batangas Capitol PIO