P10M Provincial Warehouse and Relief Storage Facility Itatayo sa Batangas

Inspeksyon Ng Proyektong Imprastraktura Ng Pamahalaang Panlalawigan, Isinagawa
June 21, 2017
Batangas Integrated Security and Emergency Response System Itatatag
June 22, 2017

June 22, 2017

Inaprubahan sa ginawang Joint Meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang inilatag na PDRRMC Resolution 22 na naglalayong humiling ng fund re alignment mula sa Trust Fund nito para gamitin sa pagtatayo ng Provincial Warehouse and storage facility.

Ang panukala ay inilahad ni PDRRMO Chief Joselito Castro kay Batangas Governor Hermilando Mandanas sa pagpupulong ng dalawang konseho noong ika-20 ng Hunyo 2017 sa Bulwagang Batangan, Capitol Building, Batangas City.
Ang P10Milyong piso na proyekto ay itatayo sa loob ng Provincial Capitol Complex ay magkatuwang na pangangasiwaan ng PDR RMC at ng Provincial Social Welfare and Development Office. Inaasahang makakapag imbak dito ng malakihang bilang at bulto ng mga relief goods na ipamimigay sa oras na sumailalim ang Lalawigan ng Batangas sa disaster situations.

Ayon kay Castro, mahalaga na magkaroon ng ganitong pasilidad sa lalawigan upang makatulong ito sa tinatawag na pre-positioning o yaong paghahanda at pagdadala ng tulong sa anumang lugar sa lalawigan na tatamaan ng kalamidad.
Mahalaga umano na may sapat na imbak ng relief supply ang lalawigan upang may kakayahan itong mamahagi habang hinihintay ang tulong mula sa iba pang ahensyang nasyunal.

Binigyang impormasyon din ni Castro ang mga miyembro na konseho sa lagay ng klima sa lalawigan sa pamamagitan ng Climate Outlook 2017.

Ayon sa datos ng Payong Pagasa, ang lalawigan ay makakaranas ng mga pag-ulan at pag bagyo dulot ng pagbuo ng low pressure areas at easterlies, Inter-Tropical Convergence Zones na magdadala ng mga pagkulog, pagkidlat at pag-ulan at bahagyang mararamdaman ang El Niño sa huling parte ng taon.

Inaasahan din na makakaranas ang bansa ng pagdaan ng bagyo na hindi bababa sa 9 hanggang 14, na magaganap sa mga huling buwan ng taong kasalukuyan./ Edwin V. Zabarte-Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.