P1.7 Milyon Individual and Cooperative Financial Loan Assistance, ipinamahagi

Gov. DoDo, dumalo sa 8th Gen. Assembly ng Liga ng mga Lalawigan
March 1, 2019
55 mag-aaral, lumahok sa Diwang Batangueño Storytelling
March 1, 2019

March 1, 2019

Namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), ng Financial Loan Assistance na nagkakahalaga ng 1.7 Milyon sa mga kooperatiba at indibidwal noong ika-1 ng Marso 2019, kasabay ng lingguhang People’s Day sa Bulwagang Batangan, Capitol Compound, Batangas City.

10 kooperatiba ang nakatanggap ng ayuda para sa pagsasagawa ng kanilang General Assembly, na may kabuuang halaga na 100,000 samantalang 13 kooperatiba naman ang nabigyan ng livelihood assistance para sa kanilang mga proyekto, na umabot sa 665,000.

221 na mga indibidwal naman, mula sa anim na distrito ng Batangas Province, ang naging benepisyaryo ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng 953,000 mula sa pakikipag-ugnayan sa PCLEDO at tanggapan ng mga Board Members.

Naging bahagi ng programa sina 2nd District Board Member Arlene Magboo, 5th District Board Member Claudette Ambida Alday at dating 3rd District Board Member Rudy Balba na layuning makapaglaan ng sapat na puhunan para sa kabuhayan ng mga Batangueño, – JunJun De Chavez, Photo: Maccvenn Ocampo – Batangas Capitol PIO

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.