Outstanding Bantay Dagat Groups, Pinarangalan sa BRAVO Awards

Vaccine Operation Center ng Batangas Province, mga Miyembrong Ahensya Tinukoy na ng IATF
February 19, 2021
Ayuda sa Sektor ng Agrikultura sa Lalawigan, Tinugunan ng Batangas Capitol
February 20, 2021

February 20, 2021

Nahirang bilang pinakamahusay na samahan ng Bantay Dagat sa buong Lalawigan ng Batangas ang Samahan ng Calatagan Bantay Dagat, na sinundan ng Fishery Law Enforcement Assistance Team (FLEAT) Sigwada Team ng Balayan at Calaca Bantay Dagat at Bantay Dagat Network ng San Juan sa BRAVO Awards.

Ang BRAVO o Batangas Recognition Awards for Verde Passage Outstanding Marine Protected Areas at Bantay Dagat ay isang programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa direktiba ni Governor DoDo Mandanas, at sa pamamagitan ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) na kumikilala sa kahusayan ng mga lokal na pamahalaan sa pamamahala ng mga marine protected areas at pagbabantay ng mga Bantay Dagat sa buong tubig munisipal.

Tumanggap ang mga nagwaging grupo ng Plake ng Parangal mula sa pamahalaang panlalawigan. Pinagkalooban naman ng First Gen Corporation, isa sa mga regular na private sector partner ng Kapitolyo, ang first placer na Calatagan Bantay Dagat ng mga unipormeng jacket at cap, ang 2nd placer na FLEAT Sigwada ng Laptop at External Hardrive, at 3rd placer na Calaca at San Juan Bantay Dagat ng digital underwater camera.

Ang mga Bantay Dagat ay mga boluntaryong mamamayan at mangingisda na nagmamalasakit, nagbabantay at nangangalaga sa mga marine protected areas at sa buong tubig munisipal laban sa mga iligal at mapanirang gawaing pangkalikasan at pampangisdaan.

Sila rin ay kaagapay ng mga lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Agrikultura at Tanggapan ng Likas Yaman at Kapaligiran, sa pagpapatupad ng mga programa at mga gawain para sa pagpapanatili ng isang malusog, maayos at malinis na kapaligiran sa buong lalawigan katulong ang mga nasyunal na ahensya (NGAs), non-government organizations (NGOs), at mga pribadong samahan.

Mula sa PG-ENRO – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Comments are closed.