Ordinance Providing for the Prevention, Control, Reduction and Mitigation ng Vector Borne Diseases ng Batangas- Inaprubahan

Estado ng Peace and Order sa Lalawigan ng Batangas, Tinalakay sa SP
March 13, 2018
Mandanas Administration Namahagi ng mga Laptop at Vocational Technology Machines at Equipment
March 14, 2018

March 13, 2018

Naipasa sa pangatlo at huling pagbasa ang committee report ng Committee on Health and Sanitation patungkol sa proposed ordinance para sa pag-iwas at control, ng vector borne diseases sa Probinsya ng Batangas. Tinalakay ito sa ika-9 regular session ng Sanguniang Panlalawigan noong ika-12 ng Marso 2018.

Ang nasabing report ay iminungkahi ni 2nd District Board Member Arlina Magboo, committee chairperson kasama ang mga miyembro ng committee na sina 6th District Sr. Board Member Rowena Africa at Board Member Wilfredo Maliksi, na Pangulo ng Association of Barangay Captains sa lalawigan.

Nakapaloob sa iminumungkahing ordinansa, na pinamagatan na “Prevention of Vector Borne Diseases Ordinance in the Province of Batangas,” ang ipagbigay – alam sa publiko ng mga vector – borne diseases, pagbibigay impormasyon sa komunidad para sa mga hakbang sa pag-iwas sa vector, pinahusay na pagsubaybay sa mga vectors, pagpapatibay ng mga hakbang upang maiwasan at mabawasan ang pagkalat ng mga sakit sa pamamagitan ng mga wastong pangangalaga at ang pagpataw ng mga parusa sa hindi susunod na mga bahay at establisimyento.

Ang vectors ay ang mga organismo, tulad ng mga insekto at peste na nagdadala ng mga virus at sakit. Ang mga insekto at peste ito ay ang mga lamok, nik-nik, garapata, baka-baka, langaw, pulgas, langaw na itim, suso at mga kuyumad o kuto. Upang maiwasan ang mga ito, kasama sa ordinansa ang mga kampanya para sa pagkakaroon ng mga clean – up drives sa mga munisipyo at lungsod sa Batangas, at ang pagbibigay kaalaman sa pagpapanatili ng kalinisan at mga programang “bayan ko, linis ko” at ang “tapat ko, linis ko.” Shelly Umali – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.