Operasyon ng Unang COVID-19 Lab sa Batangas Province, Sinimulan na

SMART-PLDT Donation
June 23, 2020
BFAR IV-A: “Walang outbreak, ligtas kainin ang tilapia”
June 25, 2020

June 24, 2020

Inaasahan na magiging mabilis na ang pagtukoy ng mga kaso ng new corona virus disease sa Lalawigan ng Batangas matapos pormal na buksan ng Batangas Medical Center sa Lungsod ng Batangas ang kanilang bagong tayong COVID-19 Testing Laboratory noong ika-23 ng Hunyo 2020.

Ang pagbubukas ng laboratory ay pinangunahan nina Department of Health (DOH) Region IV-A Director, Dr. Eduardo Janairo, Batangas Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta; Batangas City Health Officer, Dr. Rosanna Barrion; Batangas Medical Center (BatMC) Director, Dr. Ramoncito Magnaye; Dr. Maritess Teresita Torio; 1st District Congresswoman Eileen Ermita-Buhain; at 4th District Congresswoman Lianda Bolilia.

Ang nasabing proyekto ay naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng DOH – CALABARZON, BatMC at Lyceum of the Philippines University – Batangas sa DOH Facility Development Bureau, na siyang bumalangkas ng Strategic Plan para sa National Health Laboratory Network sa Pilipinas, na nagsulong ng pagkakaroon ng mga maasahang laboratoryo sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa maayos na pamamahala ng mga kaso ng COVID-19.

Sa isinagawang Tripartite partnership ng mga ahensya, naitayo ang dedicated COVID-19 Lab sa BatMC, na gumagamit ng prosesong Cartridge-Based Technology (Xpert-Xpress SARS COV 2 Rapid PCR Essay) para sa pagsusuri ng mga specimens.

Noong ika-24 ng Marso, nagsumite ng sulat si Dr. Janairo para sa pag-proseso ng akreditasyon ng laboratory facility sa nasabing pagamutan. Sinundan ito ng validation process, pagsasanay ng medical personnel, facility management at bio safety training para sa mga tauhan na magpapatakbo ng pasilidad.

Lumabas ang License to Operate Certificate ng DOH- Health Facilities and Services Regulatory Bureau noong ika-18 ng Hunyo, at nagsimula na ngang tumanggap ng mga specimen ang BatMC lab noong ika-22 ng Hunyo.

Inaasahang nasa 30 na COVID-19 specimens ang masusuri sa BatMC kada araw.

E.V. Zabarte – Batangas Capitol PIO.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
4

Comments are closed.