Natural Gas Terminal Project ng First Gen sa Batangas, aprubado na ng DOE

Notice of Vacant Position
March 5, 2019
Pagsasanay sa Climate and Disaster Risk Assessment, isinagawa
March 11, 2019

March 5, 2019

Natural Gas Terminal Project ng First Gen sa Batangas, aprubado na ng DOE

May green light o go signal na ng Department of Energy (DOE) ang aplikasyon ng First Gen Power Corporation para magtayo ng Liquefied Natural Gas (LNG) Terminal Project sa loob ng power plant complex nito sa Batangas City.

Ang naturang LNG terminal project ay isa sa mga isinusulong na industrial undertakings ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, na malaki ang pakinabang para sa ekonomiya ng lalawigan.

Nauna nang pumasok ang First Gen sa isang Joint-Development Agreement (JDA) sa pamamagitan ng kompanya nilang FGEN LNG Corp., katuwang ang Tokyo Gas Co. Ltd., ang pinakamalaking natural gas utility sa Japan.

Ito ay kasunod ng mga pahayag mula sa pamahalaan, kabilang ang mga paglalahad ni Gov. Mandanas, na ang LNG ay mahalaga upang masiguro ang energy security ng Pilipinas sa oras na maubos ang supply na nakukuha ng First Gen mula sa Malampaya gas field. ✐ Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.