National Disaster Agencies suportado ang epektibong relief and disaster operations sa Batangas

Gov. DoDo: Quick response, rehab plans tutukan
January 19, 2020
“All Hands on Deck” ang Uniformed Services para sa TAAL Volcano Relief and Rescue Operations
January 19, 2020

January 19, 2020

Sen. Ralph, pinuri ang matagumpay at 0 casualty na evac ng mga Batangueño

Batangas City- Nagtungo sa Lalawigan ng Batangas si Secretary of Department of National Defense (DND) Delfin Lorenzana, bilang kinatawan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Office of Civil Defense Administrator and NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, at Senator Ralph Recto upang suportahan ang isinasagawang Disaster Relief Operations ng Batangas PDRRMC, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, noong ika-18 ng Enero 2020 kaugnay ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ipinahayag ni Secretary Lorenzana sa mga opisyal ng Batangas at mga miyembro ng media na patuloy ang pag-momonitor ng pamahalaang nasyunal sa sitwasyon ng mga apektadong lugar sa Batangas, at koordinasyon sa iba’t-ibang ahensya na may direktang kaugnayan sa isinasagawang disaster operations.

Handa umano ang mga national agencies na tumugon sa mga agarang pangangailangan sa kasalukuyang sitwasyon at kung sakaling muling mag-alboroto ang Bulkang Taal.

Sa pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Batangas, tumugon ang NDRRMC at Armed Forces of the Philippines sa pangangailangang makapagpatayo ng maayos na temporary health and hygiene infrastructure, tulad ng malinis na palikuran at paliguan para sa mga evacuees. Paalala din nito sa mga opisyal at mamamayan na huwag maging kampante sa kasalukuyang sitwasyon, at manatiling handa.

Ipinaabot naman ni Batangueño Senator Ralph Recto ang pagbati at komendasyon sa matagumpay na isinagawang evacuation operations ng mga opisyal ng Batangas na nag-resulta sa zero casualty o walang nasawi sa oras ng kalamidad. Dagdag pa ng Senador mula sa Lungsod ng Lipa na, sa unang pagkakataon sa kasaysayan, inilikas ng biglaan ang 500 libo hanggang isang milyong katao ng maayos at walang naging casualty.

Ipinahayag din nito, na sa pagbubukas ng sesyon ng Senado, imumungkahi niya sa mga kapwa Senador na pag-aralan at gawing modelo ang Mount Pinatubo Rehabilitation Program para sa mabilisang rehabilitasyon ng Batangas at paglalaan dito ng kaukulang pondo na magagamit sa malawakan at pangmatagalang gawain sa mga apektadong lugar.

Muling nagpasalamat si Governor DoDo Mandanas sa mga konkretong programa at mabilisang tulong na ipinaaabot ng pamahalaang nasyunal, iba’t ibang local government units sa bansa, at private groups sa Lalawigan ng Batangas sa tinatayang 1 milyong indibidwal na naapektuhan ng pagsabog.

Batangas PIO Capitol, Photo: Karl Ambida

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.