Narra Seedlings Itinanim sa Brgy. Bigain, San Jose; Monte Maria Shrine, Batangas City

Rehabilitasyon ng Batangas Bay Watershed, Muling Tinalakay
March 19, 2021
1st Quarter Meeting ng ABC Federation Presidents Isinagawa sa Kapitolyo
March 20, 2021

March 19, 2021

Kahit sa panahon ng pandemya, tuloy-tuloy ang pagtatanim ng mga halaman at punong kahoy para sa isang maayos, malinis at luntiang kapaligiran sa buong Lalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), sa patuloy na direktiba ni Governor DoDo Mandanas, katuwang ang mga Local Government Units (LGUs), National Government Agencies (NGAs), mga miyembro ng academe, Non-Government Organizations (NGOs) at mga pribadong samahan.

Kaugnay nito, 20 na mga punla ng Narra ang naitanim sa Barangay Bigain I, San Jose, Batangas ng PG-ENRO, kasama ang mga kawani ng Municipal Environment and Natural Resources Office at Philippine National Police ng San Jose. Nagkaroon din ng pagtatanim ng mga punla ng malalaking puno sa Monte Maria Shrine sa Barangay Pagkilatan, Batangas City.

Ang mga isinagawang aktibidad ay bilang pakikiisa rin ng pamahalaang panlalawigan sa International Day of Forests (IDF) na ipinagdiriwang tuwing ika-21 ng Marso bawat taon, sang-ayon sa proklamasyon ng United Nations General Assembly noong 2012.

Ang tema ng 2021 IDF ay “Forest Restoration: A path to recovery and well-being.”

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Ginoong Luis Awitan, department head ng Batangas PG-ENRO, na nagpaabot ng pasasalamat sa JG Summit Petrochemicals Group para sa mga itinanim na punla. \

Batangas PG-ENRO – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.