Mrs. Philippines Batangas 2019 Pageant, isinagawa sa unang pagkakataon

Batangueño PWDs, nakiisa sa 41st Disability Prevention & Rehabilitation Week Celebration sa Rizal
September 4, 2019
Batangas Capitol, muling hinirang na Pag-IBIG Fund – Government Top Employer, Civil Service Commission Bronze Awardee
September 9, 2019

September 4, 2019

Resolution of Commendation para sa itinanghal na Grand Winner, ipinasa sa SP

Dalawampu’t isang naggagandahang Batangueña ang nagpaligsahan sa Mrs. Philippines Batangas 2019 Pageant, na isinagawa sa kauna-unahang pagkakataon, noong ika-10 ng Agosto 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Kinoronahan bilang Mrs. Philippines Batangas Grand Winner si Rizzalie Joy Ebreo ng Batangas City, 27 taong gulang at may isang anak. Nagwagi rin sa nasabing kompetisyon sina Jean Macatangay mula sa Bauan, 1st runner up; Angelica Villena ng Batangas City, 2nd runner up; Lizanie Cuenca ng Lipa City, 3rd runner up; Jeanet Garcia ng San Pascual, 4th runner up; at, Ma. Glovel Tasico ng Malvar, 5th runner up.

Kaugnay nito, isang Resolution of Commendation ang inihain nina Senior Board Member Claudette Ambida Alday at Board Member Arthur Blanco ng 5th District bilang pagkilala sa tagumpay ni Mrs. Philippines Batangas 2019 titlist Rizzalie Joy Ebreo, mula sa Lungsod ng Batangas, na ipinasa naman ng Sangguniang Panlalawigan noong September 2, 2019.

Binigyang-diin sa nasabing resolusyon ang adbokasiyang nakatuon sa women empowerment at child care, na isinusulong ng mga mambabatas sa lalawigan.

Magiging kinatawan naman ng probinsya sa Mrs. Philippines International 2019 sa Disyembre ang mga tinanghal na runner-ups sa nasabing patimpalak ng talino at kagandahan.

Marinela Jade Maneja — Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.