Mobile Markets, Tindahan at Paninda para sa mga Rural Areas ng Batangas, Ipakakalat

PPEs mula sa Office of Civil Defense IV-A, Tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan
June 23, 2020
Unang Tatlong Kaso ng COVID 19 sa Agoncillo, Naitala
June 23, 2020

June 23, 2020

Nagbigay ng direktiba si Governor Dodo Mandanas na maglabas ng karagdagang pondo ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa pagbili ng mga food at grocery items, na ilalaan sa mga mobile markets at itatayong mga tindahan sa barangay, na inaasahang tutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga Batangueño.

Sa isinagawang pagpupulong ng Batangas Province Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) noong ika-22 ng Hunyo 2020, inatasan ng gobernador, na tumatayong IATF-EID chairperson, ang Batangas Provincial Cooperative And Livelihood Enterprise Development Office na bumalangkas ng plano para sa nasabing proyekto.

Binilinan din silang makipag-ugnayan sa mga kooperatiba sa buong lalawigan para sa posibleng operasyon ng mga pamilihan sa malalayong barangay.

Layunin nitong makatulong sa mga mamamayan mula sa mga nasa laylayang mga pamayanan na nahihirapan magtungo sa mga pamilihang bayan at grocery stores, kung saan nagiging isyu naman ang wastong pagpapaganap ng physical distancing, bunsod ng pagdagsa ng mga mamimili.

Sa pamamagitan ng mga mobile market at pagpapadami ng mga supply ng bilihin sa mga sari-sari stores, magkakaroon ng pagkakataon ang mga taga-barangay na magkaroon ng abot-kamay na mga pangunahing pangangailangan, na hindi na kinakailangang lumayo sa kanilang lugar at maiwasan na rin ang pagbiyahe sa mga matataong poblacion.

E.V.Zabarte – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Comments are closed.