Mobile Markets, PPEs at Med Supplies, Ilan sa mga Proyekto ng Kapitolyo mula sa Kabahagi sa Generating Companies Sales

“Puhunan ko, para sa iyong pagbabago”, proyekto ng Batangas PNP noong ECQ
July 1, 2020
Notice of Award – Purchase of Various Medical Supplies and Rice
July 7, 2020

July 6, 2020

Nakatakda nang magsimulang mag-ikot ang limang mobile markets sa iba’t ibang bayan at barangay sa Lalawigan ng Batangas na apektado ng mga limitasyon sa operasyon ng mga palengke at pampublikong transportasyon sanhi ng COVID-19 pandemic.
Kabilang ang mga ito sa mga proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kaugnay sa Bayanihan to Heal as One Act at Department of Energy (DOE) Department Circular No. 2020-04-0008.

Sa nabanggit na circular, pinapayagang gamitin ng local government unit, kung saan nakatayo ang mga energy-generating facilities, ang kabahagi nilang kita bilang host ng mga pasilidad na ito, sang-ayon sa ER 1-94, sa mga proyektong nakatuon sa pagtugon sa krisis na dala ng pagkalat ng COVID-19 virus, mula sa orihinal na “Livelihood and Development” at Rural Watershed Management, Health and Environment Enhancement” Programs.

Bahagi ito ng Harmonized Implementation and Mobilization for Entrepreneurial Development of Livelihood Program of the Province of Batangas, na pangunahing ipinatutupad ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), sa tagubilin ni Gov. DoDo Mandanas.

Inaasahang mapakikinabangan ang mobile markets, ayon kay PCLEDO Department Head Celia Atienza, kahit matapos na ang kasalukuyang krisis na pangkalusugan, dahil patatakbuhin pa rin ito bilang negosyo ng mga nasa larangan ng agrikultura, kooperatiba at lokal na mga mamumuhunan.

Naglaan din ng pondo para sa pagbili ng mga personal protective equipment o PPEs, mga medical supplies at equipment, at mga “goods at commodities” na pangunahing pangangailangan ng mga pamayanan. Ang mga PPEs at medical supplies ay ipinamahagi sa mga frontliners at service providers ng lalawigan.

Ilan ang mga ito sa mga proyekto na nakahanay para sa halos ₱221 Milyon na pondong kabahagi ng lalawigan sa electricity sales ng mga generation companies.

VIA – Batangas Capitol PIO with reports from PCLEDO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.