Mobile hospitals para sa Taal Volcano evacuees binuksan ng DOH sa Sto. Tomas, Balayan

Pasilidad ng PDDRMO bukas sa mga LGUs na apektado ng Mandatory Evacuation
January 18, 2020
Gov. DoDo: Quick response, rehab plans tutukan
January 19, 2020

January 18, 2020

Dalawang mobile hospitals ang binuksan ng Department of Health (DOH) at kasalukuyang nagbibigay ng mga serbisyong medikal sa mga Batangueño evacuees sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) campus sa Lungsod ng Sto. Tomas at sa Barangay Caloocan, Balayan.

Maaaring magsagawa sa mga nasabing temporary hospitals ng minor surgeries, katulad ng Caesarian Section at Appendectomy, at normal birth delivery.

Kabilang sa mga naipatupad na ng DOH, bilang tugon sa mga pangangailangang medical ng mga Batangueñong naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal, ang pag-deploy ng 17 na medical teams sa mga nangangailangang munisipalidad; paglalaan ng tents para sa paghihiwalay ng mga pasyenteng may infectious diseases; pagsasagawa ng mental health at psychosocial support sa mga evacuees na nagkaroon ng panic at emotional conditions; at, pagbabantay sa sanitasyon ng water supply.

Iritasyon ng mata at upper respiratory infection ang karaniwang nararanasan sa kasalukuyan ng mga taong nasa evacuation centers na sanhi ng abo na ibinuga ng bulkan. Habang nakapagtala naman ng mga kaso ng diarrhea sa evacuation centers sa Bauan Technical High School, Malvar Cultural Gym, at Banay-banay, San Jose. Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.