MOA para sa Implementasyon ng Yakap Bayan Program sa Batangas, Nilagdaan

Request for Quotation – Purchase of 207 Boxes of RT-PCR Testing Kit, 48’s for use of COVID Patients in Isolation Facilities of the Province of Batangas
May 28, 2021
“Halina Ika’y Magtanim” Program ng Kapitolyo, Inilunsad
May 29, 2021

May 29, 2021

Holistic Intervention and Management. Nilagdaan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Memorandum of Agreement para sa implementasyon ng Yakap Bayan Program sa Lalawigan ng Batangas noong ika-27 ng Mayo 2021 na layuning matulungan ang mga dating drug dependents na magbago at maging aktibong mamamayan ng lipunan. Kasama sa larawan (mula kaliwa) sina PSWDO Department Head Jocelyn Montalbo, DSWD Usec. Jose Antonio Hernandez, DSWD CALABARZON Regional Director Marcelo Nicomedes Castillo, at Nolibelyn Macabagdal, Social Welfare Officer IV ng DSWD Social Technology Bureau. ✎Mark Jonathan M. Macaraig/Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Pormal na lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa implementasyon ng Yakap Bayan Program sa Lalawigan ng Batangas, na ginanap kaalinsabay ng isinagawang Joint Assembly Meeting ng Provincial Development Council (PDC), Provincial Peace and Order Council (PPOC), at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC).

Ang naturang MOA signing, na idinaos noong ika-27 ng Mayo 2021, ay pinangunahan ni Governor DoDo Mandanas, na tumatayo rin bilang Chairperson ng Batangas PADAC, kasama ang mga kinatawan ng DSWD na binubuo nina Undersecretary Jose Antonio Hernandez, CALABARZON Regional Director Marcelo Nicomedes Castillo, at Nolibelyn Macabagdal, Social Welfare Officer IV ng DSWD Social Technology Bureau.

Ang Yakap Bayan Program ay itinuturing na isang “framework of intervention” na tutugon upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Recovering Persons who Used Drugs (RPWUDs) o nalihis ang buhay dahil sa droga na muling magkaroon ng puwang sa lipunan, makabalik sa kani-kanilang pamilya, at maging katuwang sa pagpapabuti ng pamayanan bilang mga aktibong mamamayan.

Ayon kay Usec. Hernandez, ito ay bahagi rin ng “commitment to implement” na mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa whole-of-government approach, kung saan target ng nasabing program ang pag-alalay sa mga RPWUDS para sa tuloy-tuloy nilang pagbabago.

Bukod sa layunin ng programa na magtataguyod ng pag-unlad ng pamilya at pakikiisa sa lipunan, kabilang rin ang disaster resilience and response bilang isang aspeto o magsisislbing vehicle of change ng mga RPWUDs. Dito ay bibigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng sense of responsibility at belonging bilang mga advocates ng disaster risk reduction.

Ilan pa sa mga serbisyo na maaaring matamo ng mga ito ang medical services, health and fitness therapy, detoxification, life skills capability-building, biomedical monitoring, counseling, at psychological, spiritual, at behavioral interventions.

Samantala, naging bahagi rin sa ginanap na pagtitpon si Provincial Social Welfare and Development Officer Jocelyn Montalbo na tumalakay sa Yakap Bayan Program Technical Assistance Plan ng kanilang tanggapan para sa pagpapaganap at sustainability ng programa sa lalawigan ng batangas.

Malaki naman ang naging pasasalamat ni Governor DoDo Mandanas sa mga opisyal ng DSWD kung saan ipinunto niya ang kagandahan ng proyekto at kung gaano ito makakatulong sa probinsya sa pagharap nito sa hamon na sugpuin ang iligal na droga at ang pagkalinga na rin sa mga naging biktima nito nang sa gayon ay mabawasan, kung hindi man maalis, ang stigma at stereotypes sa mga dating drug dependents.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.