Mga Tandok na Batangueño, Pinulong ng PHO

Batangas Capitol Civil Engineers Dumalo sa National Convention
June 20, 2017
Inspeksyon Ng Proyektong Imprastraktura Ng Pamahalaang Panlalawigan, Isinagawa
June 21, 2017

June 21, 2017

“Binubuhusan ng alak ang sugat na sanhi ng kagat ng aso, bago ito sipsipin.”

Ayon sa tandok o albularyo o manggagamot na si Nestor Dimaala Jr., mula Calatagan, Batangas, ito ang kanyang ginagawa noon kapag may pumupunta sa kanya na nakagat ng aso.

Sa isang pagpupulong ng mga tandok, na proyekto ng Provincial Health Office (PHO), ito ang isa sa mga nakagawian nang mga paraan ng pagpapagamot na nais mabago at maitama kaugnay ng programa ng pamahalaan sa Rabies Prevention and Control. Ginanap ang meeting sa Hotel Pontefino, Lungsod ng Batangas noong ika-20 ng Hunyo 2017.

35 mga tandok mula sa 11 bayan sa Batangas Province ang dumalo sa lecture at planning workshop. Tig-pitong mga albularyo ang dumating mula Calatagan at Tuy; tig-anim naman mula Batangas City at Mabini; tig-dalawa mula sa Laurel at Ibaan; at tag-iisa mula Taysan, Nasugbu, Lian, Calaca at Lobo. Kasama ng mga albularyo ang mga pangulo ng Barangay Health Workers sa kanilang bayan.

Upang maintindihan ng mga lokal na manggagamot, dumaan sila sa mga lecture at presentations tungkol sa Rabies at ang seryosong banta nito sa mga nakakagat ng aso, pusa, unggoy at iba pang hayop. Naging resource persons sina Oliver Villegas, mula Dept. of Health Region IVA; Dr. Lorelie Villarba mula sa Provincial Veterinary Office; Dr. Josephine Gutierrez ng PHO; at Daisy Dalisay ng PHO.

Sa huli, nagkaisa ang mga tandok at BHW na lahat ng mga pasyenteng nakagat ng hayop na dadalhin sa kanila ay kaagad nilang papupuntahin sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center sa mga health centers at rural health units sa kanilang mga bayan para malapatan ng wastong lunas.

Divine Bauan – PHO Info Agent
Vince Altar / Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.