Mga Proyektong Pangkabuhayan ngayong Pandemya, Tinalakay ni Coop Chief Celia Atienza

Notice of Award – Purchase and Delivery of Poultry Products – Dressed Chicken (choice cuts/parts) for the Operationalization of Provincial Mobile Market (Development and Sustainability of Barangay/Community-Based Retail Industry)
September 7, 2020
SUPPLEMENTAL BID NO. 3 – POSTPONEMENT OF THE OPENING OF BIDS
September 10, 2020

September 8, 2020

Inilatag ni Batangas Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) Chief, Ginang Celia Atienza, ang mga isasakatuparan at ikinakasang mga proyektong pangkabuhayan ng Pamahalaang Panlalawigan, na tinututukan ni Governor DoDo Mandanas, bilang isa o kabilang sa kaniyang governance thrust na H.E.L.P. (Health, Education, Livelihood and Protection of Life, Property and Environment) Program.

Sa panayam sa B’yaheng Kapitolyo, ang opisyal na radio program ng Batangas Capitol, noong ika-3 ng Setyembre 2020, binigyang-diin ni Ginang Atienza na isa sa mga tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pagtugon sa pangangailangang pangkabuhayan ng mga Batangueño; na sa gitna ng pandemya, patuloy ang pamamahagi ng Kapitolyo ng livelihood assistance.

Kabilang dito ang inaprubahan ni Gov. DoDo Mandanas na ₱ 7.2 Milyon na loan assistance para sa 13 na kooperatiba sa lalawigan, na may 0% interest, na inaasahang malaki ang maitutulong upang mapalakas at makabawi ang mga ito mula sa krisis na dulot ng COVID-19 virus.

Dagdag pa dito ang proyektong katuwang ang mga private sector partners ng pamahalaang panlalawigan, kagaya ng Aboitiz Foundation, na magbibigay ng mga bangkang de motor, na nangkakahalaga ng ₱65,000 bawat isa, sa 20 na mangingisda na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal. Inaasahang sa pamamagitan nito, mas mapapaganda nila ang kanilang paghahanap-buhay at paglaon ay makapagbuo sila ng isang kooperatiba.

Nakalinya rin ang pagsasanay sa baking para sa mga Taal Volcano evacuees na ngayon ay nananahan sa Talaibon Interim Resettlement Site sa Bayan ng Ibaan.

Nauna na rito ang pagtatayo ng communal garden para rin sa nasabing komunidad na naisakatuparan katuwang ang Provincial Agriculture Office.

Tinalakay rin ng hepe ng PCLEDO, na tumatayo ring pambansang pangulo ng Liga ng mga Cooperative Development Offiers sa Pilipinas, ang on-going na programang pangkabuhayang mobile market, na isinasakatuparan sa pakikipagtulungan ng mga kooperatiba sa iba’t ibang panig ng lalawigan.

Malapit na ring mag-ikot ang limang mobile markets na mula sa pondong kabahagi mula sa Department of Energy ng lalawigan, na site ng mga electricity-producing companies. Nakatakda ang mga itong magdala ng mga paninda sa mga sari-sari stores sa mga barangay sa lalawigan na hindi makapamili ng mga stock dahil sa umiiral na lockdown. Kapwa ito bahagi ng proyektong Help-In-Motion.

Ibinahagi rin ni Atienza na inaanyayahan niya ang mga kababayang Batangueño na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang magbahagi ng mga ideyang para sa mga posibleng negosyo.

Ngayong panahon ng pandemya, kung kalian mahirap ang pisikal na pakikipag-ugnayan sa mga kliyente dahil sa physical distancing at pagbabawal sa mga mass gatherings, gumagawa pa rin ng paraan ang PCLEDO para patuloy na maipaabot ang karampatang ayuda upang mapanatiling buhay ang mga negosyo at kooperatiba.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.