Mga Proyekto ng Batangas Provincial School Board, Iniulat

Gov. Dodo Mandanas, Patuloy sa Paghikayat ng Investors sa Lalawigan ng Batangas
April 16, 2018
Mga Trabaho sa Local at Overseas, Muling Hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
April 17, 2018

Karunungan tungo sa Rich Batangas. Kabilang ang mga school buildings sa Tingloy (top) at Talisay (above) sa mga natapos na proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pagtutulungan ng Provincial School Board (PSB) at Provincial Engineering Office (PEO), upang mas maitaas pa ang antas ng edukasyon sa Lalawigan ng Batangas. Photo: PEO – Batangas Capitol PIO

April 16, 2018

Karunungan tungo sa Rich Batangas. Kabilang ang mga school buildings sa Tingloy (top) at Talisay (above) sa mga natapos na proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pagtutulungan ng Provincial School Board (PSB) at Provincial Engineering Office (PEO), upang mas maitaas pa ang antas ng edukasyon sa Lalawigan ng Batangas. Photo: PEO – Batangas Capitol PIO

Iniulat ng Provincial School Board (PSB) Secretariat, sa pangunguna ni Engr. Evelyn L. Estigoy, ang mga programa ng kanilang tanggapan upang mas maitaas pa ang antas ng edukasyon sa Lalawigan ng Batangas sa isinagawang Flag Ceremony noong ika-16 ng Abril 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Ayon kay Engr. Estigoy, mayroong walong pangunahing programa ang PSB at ito ay ang School Building Program, School Facilities Improvement Program, Internet Accesibility Program, K-12 Senior High School Implementation, Support Program Operation ng mga eskwelahan, Promotion of Physical education, Teachers Augmentation Program at mga Extra Curricular Activities.

Tuloy tuloy din ang isinasagawa nilang operation at maintenance ng Batangas Province High School for Culture and Arts (BPHSCA) at Batangas Province Science High School (BPSHS); pagpapagawa at pagpapaayos ng mga school buildings; pagbibigay ng pangangailangan para sa Educational research kabilang ang pagbili ng mga libro at periodicals; suporta sa Sports Development kagaya ng Division Meet, Regional at National Athletic Meet; at pamamahagi ng Information and Communication Technology Equipment/Computer Software.

Nito lang nakaraang buwan, personal na ipinamahagi ni Gov. Dodo Mandanas ang mga computer equipment at vocational technology machines sa mga school heads at guro ng mga public elementary and high schools ng lalawigan.

Ayon sa kasalukuyang datos mula sa PSB, nakapagbigay na ng 45 units ng mechanical dough roller, 7  units ng single needle lock stitch machine, 88 na laptops, at 153 units ng arc welding machines.

Samantala, nakalinya naman ngayong 2018 ang 41 school buildings na ipapagawa sa iba’t ibang eskwelahan sa lalawigan. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga day care centers at open classrooms.

Sa darating naman na Brigada Eskwela 2018, muling mamamahagi ang Mandanas Administration sa pangunguna ng PSB ng mga kagamitan para sa pagsasaayos ng mga school buildings kagaya ng semento, plywood, pintura, hollow blocks, GI sheets at mga roofing materials. Kinakailangan lamang na magpasa ng pormal na request letter ang mga guro kasama ang work program na may kalakip din na documentation ng nais nilang ipagawa at makipag-ugnayan din sa Department of Education (DepEd). – Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.