Mga programa para sa Turismo at Ugnayang Pangkultura sa Batangas, iniulat

Oathtaking Ceremony ng mga Opisyal ng Batangas Province Travel Agencies Association, ginanap sa Kapitolyo
March 4, 2019
Notice of Vacant Position
March 5, 2019

March 4, 2019

Inilahad ni Atty. Sylvia Marasigan, Department Head ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), ang mga aktibidad at accomplishments ng kanilang tanggapan noong ika- 4 ng Marso 2019 sa Lingguhang Flag Ceremony sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Sa sektor ng turismo, buong pagmamalaking ibinahagi ni Atty. Marasigan na umakyat ng 68.51% o mahigit sa 14 milyon ang tourist arrivals ngayong 1st quarter ng 2019 sa buong probinsya kumpara noong 2018.

Kaugnay nito ang pagkaroon ng PTCAO noong nakaraang taon ng mas pinaigting na pakikipag-ugnayan sa 34 na tourism officers ng lalawigan upang makapagsagawa ng circuit o loop tours kung saan binigyang pansin ang pagkakaroon ng Bay Side Tour, Lake Shore Tour at Inlands Tour. Dito ay kinausap nila ang mga rehistradong tour operators para ang mga ito na ang magbigay ng pricing at amenities sa nasabing mga programa.

Matatandaan na naging malaking tulong din sa pagtaas ng bilang ng mga turista sa Batangas ngayong taon ang pagpunta ng mahigit kumulang na 250 Filipino-Canadians sa bayan ng Taal at Nasugbu.

Ipinagbigay alam naman ni Atty. Sylvia Marasigan ang kanilang plano na makapaglagay ng isang malaking banner sa STAR Tollway na magsisilbing campaign o promotion ng probinsya para makahikayat pa ng mga turista. Nakasentro ang advertisement sa mga popular na atraksyon at aktibidad sa Batangas na tumutugon sa mga katagang FOOD, FUN, FAITH…IN RICH BATANGAS.

Aniya, naghanda rin ang kanilang tanggapan ng isang video para mas malawak pa ang maabot ng kanilang kampanyang pang-turismo.

Sa usapin sa ugnayang pangkultura ng lalawigan, ipinabatid ni Atty. Marasigan na aktibo ang samahang Batangas Culture and Arts Council (BCAC) na patuloy na naglulunsad ng mga proyektong makapagpapalawig sa sining at kultura ng Batangas.

Dagdag pa nito, dapat pasiglahin pa ang promotion sa cultural properties sa pamamagitan ng pagkakaroon ng cultural inventory ng bawat bayan at lungsod. Kapag ito ay nakarehistro at naipasa na sa bawat sanggunian, at naipaabot sa National Commission for Culture and the Arts, mas madali umano ang paghingi ng tulong sa national government para sa isyu ng improvement at restoration.

Tagumpay naman ang isinagawang Diwang Batangueño Storytelling ng PTCAO katuwang ang Batangas Provincial Library sa pakikipagtulungan ng BCAC noong ika-28 ng Pebrero 2019 na may layuning maitaas ang kamalayan ng mga kabataang Batangueño patungkol sa kasaysayan, kultura at sining ng lalawigan.

Samantala, magkakaroon ng isang 3-day travel fair na nakatakdang idaos sa SMX Mall of Asia sa buwan ng Abril at ang PTCAO kasama ang BCAC ay magkatuwang na ipo-promote ang Probinsya ng Batangas upang mas tumaas pa lalo ang mga bisitang turista, hindi lamang sa mga popular destinations, kung hindi pati na rin sa emerging destinations.

✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO
Photo: Batangas PTCAO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.