Mga Pangkabuhayang Pagsasanay para sa Taal Volcano Evacuees, Isinasagawa na

Community Kitchen, Handog sa mga Taal Evacuees sa Talaibon Interim Homes
March 4, 2020
Konsultasyon Tungkol sa Special Health Fund, Ginanap sa Batangas
March 5, 2020

March 4, 2020

Isinasagawa na ang mga livelihood training para sa iba’t ibang maaaring trabaho at pagkakitaan para sa mga evacuees ng pagputok ng Bulkang Taal na nakatira sa Talaibon interim resettlement area sa Ibaan.

Sa pangunguna ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), nagsimula ang mga pagsasanay para sa 125 na mga indibidwal noong ika-20 ng Pebrero 2020, katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at mga pribadong kompanya.

Kasalukuyang sumasailalim sa 30-araw na pagsasanay sa electrical at masonry ang 25 na kalahok sa ilalim ng TESDA, at 15-araw na carpentry at masonry training ang 100 na indibidwal, na tinuturuan ng mga non-government organizations.

Nakatakdang magsipagtapos sa Marso 11 ang mga sumailalim sa carpentry at masonry training na hatid ng CFC Ancop Global Foundation at DMConsunji (DMCI) Technical Training Center. Magkakaroon din ng assessment at interview ang DMCI, isa sa mga pinakamalaking real estate developers sa Pilipinas, ng mga nagsipagtapos sa training para sa posibleng trabaho sa kanilang kompanya.

Tinuturuan din ng TESDA na maghabi at manahi ng basahan at door mat ang mga kababaihang evacuees.

Kaugnay ng Women’s Month celebration ngayon buwan ng Marso, ang pagsasanay, bukod sa pangkabuhayan, ay ginawang paligsahan ng pinakamagandang disenyo ng paghahabi.

Kabilang sa mga nakatakdang pagsasanay na isasagawa mula Marso hanggang Mayo ang hollow block-making at carpentry ng TESDA, at high-speed sewing o pananahi, na pangungunahan ng Rotary Club of Ibaan.

Kaugnay ito sa mga binalangkas na programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, na tumututok sa maaaring maging kabuhayan ng mga kababayan, na napilitang lumipat ng tirahan dahil sa mga panganib na dala ng pagiging aktibo ng Bulkang Taal.

Vince Altar, Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.