Mga Natatanging Lupong Tagapamayapa sa Lalawigan ng Batangas, kinilala ng DILG

1st TESDA Batangas graduation ngayong 2019, isinagawa sa Kapitolyo
May 29, 2019
Batangas Provincial Contingency Plan for Tsunami, aprubado na
June 4, 2019

2019 Lupong Tagapamayapa Incentive Awards. Sa pamumuno ni Punong Barangay Teodora V. Purino (gitna), ang Barangay Pinagbayanan ng Bayan ng Taysan ang tinanghal na Regional Winner sa ginanap na 2019 Lupong Tagapamayapa Awards ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at magiging kinatawan ng CALABARZON sa National LTIA 2019. Ginanap ang awarding ceremony, na pinangunahan nina DILG Batangas Province OIC Provincial Director Abigail Andres at Gov. DoDo Mandanas.✎ Mark Jonathan M. Macaraig / Photo by: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

June 3, 2019

2019 Lupong Tagapamayapa Incentive Awards. Sa pamumuno ni Punong Barangay Teodora V. Purino (gitna), ang Barangay Pinagbayanan ng Bayan ng Taysan ang tinanghal na Regional Winner sa ginanap na 2019 Lupong Tagapamayapa Awards ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at magiging kinatawan ng CALABARZON sa National LTIA 2019. Ginanap ang awarding ceremony, na pinangunahan nina DILG Batangas Province OIC Provincial Director Abigail Andres at Gov. DoDo Mandanas.✎ Mark Jonathan M. Macaraig / Photo by: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Tatlong barangay ang kinilala at pinarangalan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) – Batangas Province sa isinagawang Lupong Tagapamayapa Incentive Awards o LTIA na ginanap noong ika-3 ng Hunyo 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Ang nasabing pagbibigay ng parangal ay pinangunahan ni DILG Batangas Officer-in-Charge – Provincial Director Abigail N. Andres, kasama sina Gov. DoDo Mandanas, Provincial President of the Association of Barangay Captains at Board Member Wilfredo Maliksi, at iba pang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Ang Barangay Pinagbayanan ng Bayan ng Taysan, sa pamumuno ni Punong Barangay Teodora V. Purino, bilang Regional Winner, ang magiging kinatawan ng CALABARZON sa National LTIA 2019.

Malaking karangalan ang natamo ng Lupong Tagapamayapa ng Barangay Darasa, Lungsod ng Tanauan matapos mahirang bilang Provincial Winner at Regional Finalist sa kategoryang Component City. Ang nasabing barangay, na pinamumunuan ni Punong Barangay Luisito C. Flores, ay nagkamit ng ₱15,000.00 cash incentive.

Nanguna naman ang Barangay Pinagbayanan, Taysan nang kilalaning Provincial Winner at Regional Winner sa 1st to 3rd Class Municipality Category at nag-uwi ng ₱15,000.00 cash incentive, samantalang ang Barangay Puting Bato-East, Calaca, sa pangunguna ni Punong Barangay Melvin D. Bathan, ay nahirang bilang Provincial Finalist at nakakuha ng ₱10,000 insentibo.

Batay sa Katarungang Pambarangay: Isang Handbook, ang Lupong Tagapamayapa o Lupon ay isang grupong itinatag sa bawat barangay, na binubuo ng Punong Barangay bilang tagapangulo at mga kasaping pipiliin na hindi bababa sa sampu at hindi hihigit sa dalawampu.

Sa ibinahaging mensahe ni OIC – PD Andres, ipinaliwanag niya na ang LTIA ay naitatag alinsunod sa Section 406 (b) ng Local Government Code of 1991 na nagbigay ng mandato sa DILG na maggawad ng suportang pangkabuhayan at iba pang insentibo sa mga Lupong Tagapamayapa.

Ang nasabing programa rin ay naglalayon na kilalanin ang mga Lupon na nagpamalas ng galing sa pagsusulong ng Barangay Justice System o ang matiwasay at patas na paraan ng Lupong Tagapamayapa na lutasin ang maliliit na gusot sa hanay ng mga pamilya o residente upang hindi na umabot pa sa korte ang usapin.

Bahagi rin ng programa ang paggawad ng Sertipiko ng Pagpapahalaga sa mga miyembro at bumubuo ng Provincial Awards Committee na naging dahilan sa matagumpay at maayos na assessment and validation para sa LTIA ngayong taon.

Sa naging talumpati ni Gov. Mandanas, binigyang-diin niya na mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng itinuturing na pinakamaliit na yunit ng pamahalaang lokal, ang mga barangay. Ayon pa sa Gobernador, walang pag-unlad kung walang kapayapaan, at upang makamit ito kinakailangan umano na magkaroon ng katarungan at katotohanan. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.