Mga Natatanging Kawani at Tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan, kinilala sa selebrasyon ng Ika-119th Anibersaryo ng Serbisyo Sibil

Blood Banking Procedure Training, tagumpay
September 23, 2019
OB Pagsasarili Family Day, ipinagdiwang sa Kapitolyo
September 23, 2019

September 23, 2019

45 Years of Public Service. Tinanghal na Governor’s Service Awardee si Ms. Aurea M. Hernandez (ika-anim mula sa kaliwa) ng Office of the Provincial Treasurer dahil sa hindi matatawarang dedikasyon sa paglilingkod at paghahatid ng serbisyo publiko sa loob ng apatnapu’t limang taon. Ang nasabing tagpo ay bahagi ng Culminating Activity ng pagdiriwang ng ika-119 na Taong Anibersaryo ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas na idinaos noong ika-23 ng Setyembre 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Ang pagbibigay-pagkilala ay pinangunahan ni Governor DoDo Mandanas kasama sina PHRMO Head Rhiza B. De Zosa, Provincial Administrator Levi Dimaunahan, Chief of Staff Maria Isabel B. Bejasa, at ilang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan. ?Mark Jonathan M. Macaraig/Photo by Junjun de Chavez – Batangas Capitol PIO

Bilang pakikiisa ng Pamahalang Panlalawigan ng Batangas sa selebrasyon ng ika-119 na Taong Anibersaryo ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas, naglunsad ang Provincial Human Resource Management Office (PHRMO), sa pamamagitan ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Committee, ng serye ng mga aktibidad, alinsunod sa layunin ng Civil Service Commission na maipaalala sa bawat isang kawani na patuloy na iangat ang kalidad ng paglilingkod at paghahatid ng serbisyo publiko.

Binigyang pagkilala ang mga natatanging kawani at tanggapan ng Kapitolyo, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas kasama sina PHRMO Head Rhiza B. De Zosa, Provincial Administrator Levi Dimaunahan, Chief of Staff Maria Isabel B. Bejasa, at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan noong ika-23 ng Setyembre 2019 na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Iginawad ang Outstanding Employee of the Year kay Ms. Estrellita C. Burog ng Office of the Provincial Treasurer para sa 2nd Level category, at Ms. Aiza L. Silva mula sa Office of the Provincial Accountant para naman sa 1st Level category.

Nakuha naman nina Ms. Josephine F. Medina para sa 2nd Level, at Ms. Gene Michelle N. Iturralde para sa 1st Level, na kapwa nagmula sa Office of the Provincial Treasurer, ang Exemplary Behavior Awards.

Itinanghal namang Model Employee of the Year si Mr. Aristio Liwanag na isang kawani mula sa Provincial Health Office – San Jose District Hospital.

Ginawaran naman ng Governor’s Service Award si Ms. Aurea M. Hernandez ng Office of the Provincial Treasurer, na nakapagsilbi na sa pamahalaang panlalawigan ng mahigit 45 taon.

Samantala, para sa Office Awards, nasungkit ng Office of the Provincial Legal Officer ang 1st Place sa 2019 Slogan Making Contest, na sinundan ng Office of the Provincial Accountant bilang 2nd Place, at Office of the Provincial Administrator bilang 3rd Place.

Bilang bahagi pa rin ng pagbibigay-pagkilala sa mga modelong tanggapan, ipinagkaloob naman ang 7S Award na sumasalamin sa Total Quality Management sa Provincial Assistance for Community Development Office at IPCR Early Bird Award para sa Provincial General Services Office.

Ang mga awardees ay tumanggap ng plaque, sertipiko ng pagkilala at kaakibat na cash prizes o insentibo. Hinusgahan ang mga ito sa pamamagitan ng masusing deliberasyon ng mga naimbitahang external evaluators mula sa iba’t-ibang ahensya at institusyong pang-akademya.

Ang selebrasyon ngayong taon ay ginabayan ng temang “Upholding Integrity and Building a High-Trust Society”.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.